Bea Alonzo, intimatè wedding sana ang gusto: "Pero parang andami pala naming friends"

Bea Alonzo, intimatè wedding sana ang gusto: "Pero parang andami pala naming friends"

- Naikwento ni Bea Alonzo na intimatè wedding lang sana ang nais niya sa inaasahang kasalan nila ni Dominic Roque

- Little girl pa lamang siya umano ay pangarap na niya ang intimatè wedding lamang

- Subalit sadyang marami silang kaibigan at malalapit na tao sa kanilang puso kaya inaasahan ang dami ng kanilang bisita

- Dagdag pa ni Bea, hindi na nila patatagalin pa ang kanilang engagement lalo na at plano na nila ang pagkakaroon ng pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Madalas nang matanong si Bea Alonzo patungkol sa inaasahang pagpapakasal nila ni Dominic Roque.

Bea Alonzo, intimatè wedding lang sana ang gusto: "Pero parang andami pala naming friends"
Dominic Roque and Bea Alonzo (Bea Alonzo)
Source: Facebook

Sa kanyang bagong vlog, naikwento ni Bea na intimatè wedding lang umano ang nais niya subalit sa dami ng kaibigan at malalapit sa puso nila ng kanyang mapapangasawa, inaasahang mas marami ang makasasaksi ng kanilang pag-iisang dibdib.

Read also

Mayor Niña Jose, umalma sa komento sa kanya: "No one has any right to degrade me"

"Gusto ko talaga intimatè wedding ever since I was a little girl, gusto ko talaga intimatè wedding pagka-nag-iisip kami ni Dom ng guest list pa lang, parang andami pala naming friends. Kasi si Dom extrovert siya andami niya talagang friends. Andami niyang group of friends. And ako, I have a small circle of friends, but outside of that circle, and dami ko ring mga acquaintances ang dami kong mga nakatrabaho. I've been in this business for 22 years. Ang hirap niya talagang i-dilute into a very small number. One thing I'm sure about is that it's going to be amazing cause I'm gonna be marrying the love of my life."

Naiabahagi rin ni Bea na bagama't wala pa talaga silang plano sa detalye ng kasal, inaasahang magaganap ito sa susunod na taon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa bagong episode sa kanyang YouTube channel:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Naging usap-usapan ang panayam noon ni Mariel Rodriguez kay Bea dahil sa mga naging rebelasyon ng aktres. Isa na rito ay ang naging karelasyon umano niya na halos araw-araw ay binabantayan ang kanyang timbang.

July 18 ng kasalukuyang taon naganap ang surprise proposal ni Dominic kay Bea. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Samantala, ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Hot:
Online view pixel