Ogie Diaz sa mag-inang Sharon at KC: "'Yung totoo, may samaan sila ng loob"

Ogie Diaz sa mag-inang Sharon at KC: "'Yung totoo, may samaan sila ng loob"

- Nabanggit ni Ogie Diaz na may samaan umano ng loob ang mag-inang sina KC Concepcion at Sharon Cuneta

- Naging usap-usapan umano ito matapos mapansin ng netizens na naka-unfollow na sa isa't isa sina KC at kapatid na si Kakie gayundin ang stepfather nitong si Senator Kiko Pangilinan

- Habang naka-follow pa rin umano sa isa't isa sina Sharon at KC sa kanilang Instagram

- Gayunpaman, hiling ni Ogie na sana'y magkaayos ang mag-ina o maghilom ang anumang sugat ng kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Ogie Diaz na may samaan umano ng loob ang mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Ogie Diaz sa mag-inang Sharon at KC: "'Yung totoo, may samaan sila ng loob"
Sharon Cuneta and KC Concepcion (@reallysharoncuneta)
Source: Facebook

Matatandaang, naging usap-usapan kamakailan ang umano'y pag-unfollow sa isa't isa nina KC at ng kapatid niyang si Kakie gayundin ng kanyang stepdad na si Senator Kiko Pangilinan.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Dito umano nag-ugat ang espekulasyon ng marami na tila may samaan ng loob ang tatlo, subalit ang sinasabing may tampuhan talaga ay ang mag-inang Sharon at KC.

"'Yung totoo, may samaan sila ng loob," ani Ogie na kamakailan lamang din ay ipinalabas ang kanyang panayam sa KC Concepcion.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hiling niyang sa kung anumang pinagdaraanan ng mag-ina ngayon, sana'y maayos din nila ito sa lalong madaling panahon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Cristy kay Andrea Brillantes bilang 'Most Important Star' ng ABS-CBN: "Panahon ni Andrea ngayon"

Sa naging interview ni Ogie Diaz sa nag-iisang Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa pinakabagong panayam naman ni Ogie kay KC, nabanggit nito ang kanyang reaksyon sa nalalapit na concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na gaganapin sa Oktubre ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica