Mark Leviste, nagbahagi ng picture kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla

Mark Leviste, nagbahagi ng picture kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla

- Nagbahagi si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng picture sa kanyang Instagram post

- Sa kanyang binahaging picture ay makikitang kasama niya sina Phillip Salvador at Robin Padilla

- Si Phillip ay dating karelasyon ni Kris at ama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua Aquino

- Marami naman ang naghayag ng kanilang kalungkutan matapos ang binahagi ni Kris patungkol sa pagputol niya ng kanyang koneksiyon kay VG Mark

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpost si Batangas Vice Governor Mark Leviste ng picture sa Instagram. Sa naturang post ay makikitang kasama niya sina Phillip Salvador at Senator Robin Padilla.

Mark Leviste, nagbahagi ng picture kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla
Mark Leviste, nagbahagi ng picture kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla (@markleviste)
Source: Instagram

Parehas na mayroong naging kaugnayan ang mga ito kay Kris na nauugnay din kay VG Mark.

Si Robin ay malapit na kaibigan ni Kris samantalang dating karelasyon ni Kris at ama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua Aquino si Phillip.

Read also

Nikko Natividad, napagtantong mahirap daw pala matulog sa garahe nila

Samantala, marami naman ang naghayag ng kanilang kalungkutan matapos ang binahagi ni Kris Aquino patungkol sa pagputol niya ng kanyang koneksiyon kay VG Mark.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilang mga reaksiyon ng netizens:

Hoping KCA and VG can just settle it privately for the sake of their children and respective families.
It’s just a photo ,Wala naman ibig sabihin.They are just attending an event .No malice
Hindi ko na sila maintindihan pinakilig tayo tapos iiyak naman tayo!!ano ba talaga masyado ng mapanakit!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

Ina Raymundo kinagiliwan si Andrea Brillantes: "I find her comments flattering and amusing"

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate