Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong"

Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong"

- Hindi pinalagpas ni Sharon Cuneta ang isang nagkomento sa kanyang post sa Instagram

- Sinabi nito na tigilan na ang pagkukumpara sa kanyang mga anak

- Ani Mega, hindi siya kundi ang mga taong makikitid ang utak ang nagkukumpara sa kanyang mga anak

- Hindi na umano nakakatulong ang mga taong ito kaya dapat ay tumigil na sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Sharon Cuneta ang komento ng isang Instagram user na nagsabing tigilan ng Megastar na ipagkumpara ang kanyang mga anak. Ani Sharon, hindi niya pinagkukumpara ang kanyang mga anak.

Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong"
Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong" (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Aniya, hindi na nakakatulong ang mga taong aniya ay makitid mag-isip kaya dapat ay tumigil na sila.

For the record sa yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip - KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO. Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong.

Read also

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

Dagdag pa niya, wala namang alam sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya ang mga taong ito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Plus WALA KAYONG HALAGA SA AMIN KAHIT NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA. Buhay nyo asikasuhin nyo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi tagpi o ginagawa.
Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong"
Sharon Cuneta sa basher: "Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong" (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Read also

Ogie Diaz kay Yexel Sebastian: "Sagutin niyo naman yung investors niyo, kawawa naman"

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel