Pura Luka Vega, naglilikom umano ng donasyon para sa haharaping kaso

Pura Luka Vega, naglilikom umano ng donasyon para sa haharaping kaso

- Naglilikom na umano ng pondo si Pura Luka Vega para sa haharaping kaso sa Setyembre

- Gagamitin umano ito para sa transportasyon at pagkain ni Pura sa pagdalo ng hearing ng kabi-kabilang reklamo sa kanya

- Matatandaang inulan ng batikos ang kontrobersyal na 'Ama Namin' performance ni Pura dahil sa panggagaya nito sa imahe ni Kristo

- Maging ang grupong Hijos del Nazareno ay naghain ng reklamo sa umano'y mga nagawa ni Pura na may kaugnayan sa simabahang Katoliko

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nanghihingi na umano ng donasyon ang drag performer na si Pura Luka Vega para sa umano'y haharapin niyang kaso sa Setyembre.

Pura Luka Vega, naglilikom umano ng donasyon para sa haharaping kaso
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay sa umano'y panggagaya nito sa imahe ni Kristo o ng Poong Nazareno.

Ayon sa Philippine Drag Updates, humihingi umano ng financial support si Luka para sa transportasyon at pagkain nito sa pagdinig sa mga reklamong inihain sa kanya.

Read also

Ogie Diaz, hanga umano kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela

"‘WE NEED YOUR HELP MORE THAN EVER’ Pura Luka Vega seeks for financial support as she faces trial this September. Your donations will go to Luka’s family and transpo/food for their court dates this September,” ang bahagi ng post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang naging usap-usapan si Pura dahil sa paulit-ulit na panggagaya sa imahe ni Kristo at ginawa pa umanong remix ang sagradong dasal na 'Ama Namin' habang siya ay nagtatanghal.

Isa ang grupong Hijos del Nazareno sa nagsampa ng reklamo laban kay Pura dahil sa mga nagawa niyang ito.

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Read also

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin siya ng imahe ni Kristo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica