Ogie Diaz, hanga umano kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela

Ogie Diaz, hanga umano kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela

- Hanga si Ogie Diaz sa umano'y hindi pag-iwan ni Vice Ganda sa alaga nitong si Awra Briguela

- Ito ay sa kabila ng nagawang eskandalo umano ni Awra na naganap sa isang bar sa Makati noong Hunyo

- Ani Ogie, nararapat lamang umano na hindi iwan ni Vice si Awra sa panahong kinakailangan nito ng gabay

- Matatandaang si Vice ay minsan ding naging talent ni Ogie Diaz at naging malapit silang magkaibigan hanggang ngayon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hanga umano si Ogie Diaz kay Vice Ganda sa hindi nito pag-iwan sa alagang si Awra Briguela.

Ogie Diaz, hanga kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela
Vice Ganda and Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Facebook

Matatandaang noong Hunyo 29, gumulantang sa publiko ang umano'y gulong kinasangkutan ni Awra sa isang bar sa Makati City.

Sa kabila ng umano'y matagal na pananahimik ni Vice sa isyu, sinabi naman nito kamakailan na hindi niya iniwan si Awra bilang manager nito.

Read also

Pura Luka Vega, naglilikom umano ng donasyon para sa haharaping kaso

Dahil dito, bumilib si Ogie sa dati niya ring naging talent na si Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ako, hahangaan ko dun si Vice. Kasi ganun naman talaga. 'Pag ikaw manager talaga. Sa lahat ng pagkakataon, kailangan andun ka sa alaga mo. Dahil 'yun ang aasahan sa'yo ng alaga mo. In the same manner din 'yung manager din aasahan 'yung alaga niya na dapat behave ka para hindi tayo matrobol. So itong pagkakataong ito na hindi binitiwan ni Vice si Awra, kahanga-hanga 'yon bilang manager si Vice," ani Ogie.

Gayunpaman, paalala niya sa mga talent na ang kabutihan at paggabay ng mga manager ay may kaakibat na responsibilidad din sa kanilang panig.

"Pero siyempre, 'di tayo natatapos 'dun. Dapat 'pag 'di ka binitiwan, dapat everyday nagiging better ka. Dapat, iiwasan mo na yung kung ano ;yung feeling mo traumatizing sa'yo. At 'yun nga ang nangyari... Bilang ako rin ay manager, maganda 'yun. Kahanga-hanga 'yung kay Vice."

Read also

Ogie Diaz sa pag-call out ng MTRCB kay Vice: "Sobrang conscious na ni Vice Ganda"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Vice Ganda ay isang TV host at komedyante na tinagurian ding 'Unkabogable Star'. Sa ngayon, bukod sa It's Showtime, abala rin si Vice sa paggawa niya ng mga videos para sa kanyang YouTube channel kung saan mayroon na siyang 7.8 million subscribers.

Nito lamang Hunyo 28 ng kasalukuyang taon, pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV.

Samantala, minsan na ring nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang umano'y pamamahinga ni Vice ngayong taon sa Metro Manila Film Festival na ginaganap tuwing Disyembre. Ipinalalbas ito sa sinehan sa araw ng Kapaskuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel