Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumalo sa #Rewind poster reveal sa ABS-CBN compound

Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumalo sa #Rewind poster reveal sa ABS-CBN compound

- Personal na dumalo ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa poster reveal ng pelikulang 'Rewind'

- Ito ang MMFF entry na isang collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media

- Ginanap ang poster reveal sa ABS-CBN compound at ayon kay Marian ay speechless sila na makita ang poster nila

- Sa matagal na panahon ay maituturing na mahigpit na kakumpitensiya ng kanilang home network na GMA ang ABS-CBN

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumalo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa poster reveal sa ABS-CBN compound para sa pelikula nilang Rewind. Ayon kay Marian ay speechless silang makita ang kanilang napakalaking poster sa ABS-CBN compound.

Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumalo sa #Rewind poster reveal sa ABS-CBN compound
Marian Rivera at Dingdong Dantes, dumalo sa #Rewind poster reveal sa ABS-CBN compound
Source: Instagram

Ayon kay Dingdong ngayon lang din nila nakita ang poster at natutuwa sila na may event talaga para lang sa pag-reveal ng poster.

Read also

Paolo Contis, sa umano'y kumalat na sweet photos nila ni Arra: "it was maliciously edited"

Aniya mahalaga sa kanila ang project na ito at gusto nilang maibahagi ang pelikula sa lahat.

Nagpapasalamat sila sa lahat ng reaksiyon sa nilabas na trailer sa kanilang pelikula na isang collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar." Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy.

Kamakailan ay nag-post si Buboy Villar ng picture nila ni Marian nang magkasama sila sa isang event ng skin care company. Marami sa mga netizens ang nagkomento na naalala nila ang kanilang pagsasama noon sa seryeng "Darna". Matatandaang naibahagi ni Buboy na mula sa pagiging mag-ate ay magkumare na umano sila ni Marian. Matatandaang una silang nagkasama sa teleseryeng “Dyesebel" na aniya ay naging simula ng kanyang career bilang si Buboy.

Read also

Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmadong kay Catherine Camilon

Naiyak naman si Zeinab Harake nang makita at makasama ang idolo niyang si Marian. Mismong si Marian pa ang nagpalapit sa kanya kay Zeinab na maluha-luha namang lumapit sa kanya. Ani Zeinab, si Marian talaga ang idolo niya at maging ang ilang gawi nito ay talagang ginagaya niya. Bago pa man ilabas ni Zeinab ang kanilang video, una nang nag-viral ang larawan ni Zeinab kasama sina Marian at mister nitong si Dingdong Dantes.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel