Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmadong kay Catherine Camilon

Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmadong kay Catherine Camilon

- Kinumpirma ng Criminal Investigation ang Detection Group na nagtugma ang DNA sample hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV sa DNA sample ng pamilya Camilon

- Ang pulang CR-V ang nakita ng mga saksi na pinaglipatan sa isang duguang babae mula sa sasakyan ng beauty queen

- Umaasa ang CIDG na makikitang buhay ang nawawalang beauty queen na huling nakita noong October 12

- Ayon kay Director Police Major General Romeo Caramat Jr., mas bumigat ang kaso na sinampa sa suspects matapos magtugma sa sinabi ng mga witnesses ang naging resulta ng DNA test

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kumpirmadong nagtugma ang DNA samples ng mga magulang ni Catherine Camilon sa ng natagpuang hibla ng buhok at dugo sa abandonadong SUV. Sa ulat ng 24 Oras ng GMA, kinumpirma ni Director Police Major General Romeo Caramat Jr. ang balitang ito.

Read also

Michelle Dee nagbahagi ng mensahe: "Love, empathy and kindness over everything"

Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmado kay Catherine Camilon
Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmado kay Catherine Camilon
Source: Instagram

Ang pulang Honda CRV na natagpuan ng Batangas City Police Station sa isang bakanteng lote sa Batangas noong Nov. 9 ay iniuugnay sa pagkawala ng beauty queen.

"The hair strands and the blood na nakita doon sa sasakyan ay nag-match doon sa DNA profile na binigay ng magulang ni Ms. Catherine Camilon,"

Nagtutugma raw ito sa pahayag ng lumutang na dalawang saksi na nagsabing inililipat ang duguang babae mula sa sasakyan ni Camilon papunta sa CRV.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang mga witnesses natin ang hindi nagsisinungaling. There is corroborative evidence na 'yung nakita nilang babae, binubuhat ng mga suspects natin ay certainly si Ms. Camilon 'yon,"

Itinuturing pa rin na missing si Camilon at umaasa ang mga otoridad na matatagpuang buhay ang biktima.

Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.

Read also

DNA test sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan, may resulta na

Kamakailan nga ay sinabi ng mga otoridad na naniniwala silang buhay ang nawalang beauty queen. Nagbigay din ng pahayag ang PNP-Calabarzon na makikita at makakauwi ang beauty queen. Matatandaang idineklara siyang missing person dahil sa hindi na siya makontak. Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, police chief ng Calabarzon, base sa kanilang leads ay buhay si Camilon.

Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel