DNA test sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan, may resulta na

DNA test sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan, may resulta na

- Lumabas na umano ang resulta ng DNA test na ginawa sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan na iniuugnay sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon

- Ayon kay PNP Forensic Group public information officer Police Major Rodrigo Sotero Jr. may resulta na pero hinihintay na lamang ang official report

- Maaring ilabas daw ngayong Martes ang resulta kapag lumabas na ang official result

- Nakuha ang mga blood at hair samples sa isang SUV na inabandona sa Barangay Dumuclay, Batangas City

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May resulta na ang DNA test na ginawa sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan sa Barangay Dumuclay, Batangas City. Nakatakda raw ilabas ang resulta ngayong Martes kapag lumabas na ang official report.

Read also

Hibla ng buhok at dugo na nakita sa abandonadong SUV, kumpirmadong kay Catherine Camilon

DNA test result sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan, lumabas na
DNA test result sa hair and blood samples na nakuha sa inabandonang sasakyan, lumabas na
Source: Instagram
“Meron na daw pong result. Wala pa lang po iyong official report

Ayon sa PNP, kapag mag match ang nakuhang sample sa inabandonang sasakyan sa pamilya ng beauty queen ay makakapagpalakas ito ng kaso sa mga kasalukuyang suspek.

Ang inabandonang sasakyan ay iniuugnay sa kaso ng pagkawala ng beauty queen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

matatandaang lumutang ang dalawang saksi na nagsabing nakita nila ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon noong October 12 na duguan. Sa ulat ni Marisol Abdurahman sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, kinilala ng mga saksi ang person of interest.

Si Catherine Camilon ay isa sa naging kalahok sa Miss Grand Philippines 2023. Naging usap-usapan siya matapos mapabalita noong ika-12 ng Oktubre ang tungkol sa kanyang pagkawala.

Kamakailan nga ay sinabi ng mga otoridad na naniniwala silang buhay ang nawalang beauty queen. Nagbigay din ng pahayag ang PNP-Calabarzon na makikita at makakauwi ang beauty queen. Matatandaang idineklara siyang missing person dahil sa hindi na siya makontak. Ayon kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, police chief ng Calabarzon, base sa kanilang leads ay buhay si Camilon.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Simula October 12 ay nireport na siyang missing. Ang kapatid niyang si Chin-chin Camillon ang nag-post sa Facebook upang humingi ng tulong sa paghahanap ng kanyang kapatid na bukod sa pagiging isang beauty queen ay isa ding teacher. Naibahagi niya ang ilang detalye kabilang na ang edad nito na 26 taong gulang at ang height nito na 5'6". Binahagi niya rin ang picture ng plate number ng sasakyan ng kanyang kapatid.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel