Kristel Fulgar, todo-suporta kay Seo In Guk matapos ang naudlot niyang hosting sa fanmeet nito

Kristel Fulgar, todo-suporta kay Seo In Guk matapos ang naudlot niyang hosting sa fanmeet nito

- Todo-suporta pa rin si Kristel Fulgar sa kanyang idolong South Korean singer-songwriter and actor na si Seo In Guk

- Ito ay sa kabila ng pagkakapalit sa kanya bilang host ng fan meeting nito na ginanap sa New Frontier Theater ngayong gabi

- Sa kanyang post ay ibinahagi niyang hindi na siya ang magho-host sa naturang event dahil sa aniya'y 'unforeseen circumstances'

- Si Karen Bordador naman ang isa sa naging host ng naturang fan meeting ni Seo In Guk na kauna-unahan sa Asia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Kristel Fulgar na hindi na siya ang magiging host ng fan meeting ni Seo In Guk. Sa kanyang post ay ibinahagi niyang hindi na siya ang magho-host sa naturang event dahil sa aniya'y 'unforeseen circumstances'.

Kristel Fulgar, todo-suporta kay Seo In guk matapos ang naudlot niyang hosting sa fan meeting nito
Kristel Fulgar, todo-suporta kay Seo In guk matapos ang naudlot niyang hosting sa fan meeting nito
Source: Instagram

Sa kabila nito ay sinabi niyang patuloy lang na suportahan ang South Korean singer-songwriter/actor. Si Karen Bordador naman ang isa sa naging host ng naturang fan meeting ni Seo In Guk na kauna-unahan sa Asia.

Marami naman ang nalungkot lalo na ang mga tagasuporta ni Kristel dahil alam nilang sobrang idolo nito si Seo In Guk.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate