Zeinab Harake sa pag-aalaga ni Ray Parks kay Bia: "Tanggal ang pagod ko"
- Ibinida ni Zeinab Harake ang isang video kung saan makikita ang pagkarga ni Bobby Ray Parks sa anak niyang si Bia
- Ani Zeinab, halos 24 oras na siyang nagtatrabaho at nawala ang kanyang pagod nang makita niya ang eksenang ito
- Pinakita din ni Zeinab ang mensahe nito sa kanya bago siya puntahan ni Ray sa trabaho para sunduin
- Matatandaang nauna nang naibahagi ni Zeinab na Daddy Ray ang tawag ng dalawang anak niya sa kanyang boyfriend
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Zeinab Harake, kahit halos 24 oras siyang nagtatrabaho ay natatanggal ang kanyang pagod nang makita ang video ng pag-aalaga ni Bobby Ray Parks sa anak na si Bia. Sa video na pinakita ni Zeinab ay makikita ang pagkarga nito kay Bia.
Almost 24hrs ako nag tatrabaho tapos ito makikita ko talaga naman tanggal ang pagod ko
Pinakita din ni Zeinab ang mensahe nito sa kanya bago siya puntahan ni Ray sa trabaho para sunduin.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.
Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.
Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh