E.A.T., pinatawag ng MTRCB hinggil sa pagmumura ni Wally Bayola
- Naglabas ng Notice to Appear and Testify ang Movie and Television Review and Classification Board para sa production group ng E.A.T.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Ito ay kaugnay sa pagmumura ni Wally Bayola sa Sugod Bahay mga Kapatid segment ng noontime show na inihingi din niya ng dispensa ngayong araw
- Ayon sa naturang notice, magaganap ang pagdinig sa ika-14 ng Agosto 2023 sa opisina ng MTRCB sa Timog Avenue, Quezon City
- Nabanggit din sa notice na nalabag ang Section 2(B), Chapter 4 of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986
Pinatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang production group ng E.A.T. Ito ay kaugnay sa pagmumura ni Wally Bayola sa Sugod Bahay mga Kapatid segment ng naturang noontime show.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bago pa man ilabas ang notice ay humingi ng dispensa si Wally sa naturang segment ngayong araw kung saan inaamin niya ang pagkakamali.
Ayon sa naturang notice, magaganap ang pagdinig sa ika-14 ng Agosto 2023 sa opisina ng MTRCB sa Timog Avenue, Quezon City.
Nabanggit din sa notice na nalabag ang Section 2(B), Chapter 4 of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986
Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Kamakailan ay nagpost si Joey de Leon ng isang makahulugang mensahe tungkol sa pagsasaya. Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang walang masamang magsaya kung tama ang dahilan. Hindi din daw masamang magbunyi kung walang nilalamangan at ninanakawan. Ito ang kanyang pahayag kasunod ng nauna niyang post tungkol sa aniya'y renewal.
Ayon kay Tugue Zombie, walang mali sa naging biro ni Jose Manalo sa kanilang segment na Sugod Bahay mga Kapatid. Aniya, hindi siya aware na may isyu pala tungkol sa birong ito ni Jose dahil wala namang masama sa naging biro sa kanya nang marinig niya ang joke. Kung siya mismo daw na siyang sinabihan ng biro ni Jose ay hindi nasaktan, ibig sabihin ay walang masama sa biro ni Jose. Pakiusap niya, sana ay huwag maging sensitive sa mga biruan nila sa Sugod Bahay.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh