Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"

Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"

- Ayon kay Tugue Zombie, walang mali sa naging biro ni Jose Manalo sa kanilang segment na Sugod Bahay mga Kapatid

- Aniya, hindi siya aware na may isyu pala tungkol sa birong ito ni Jose dahil wala namang masama sa naging biro sa kanya nang marinig niya ang joke

- Kung siya mismo daw na siyang sinabihan ng biro ni Jose ay hindi nasaktan, ibig sabihin ay walang masama sa biro ni Jose

- Pakiusap niya, sana ay huwag maging sensitive sa mga biruan nila sa Sugod Bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinagtanggol ni Tugue Zombie si Jose Manalo laban sa mga negatibong komento kaugnay sa umano'y naging biro ni Jose tungkol sa kulay ng balat niya. Aniya, walang mali sa naging biro ni Jose Manalo sa kanilang segment na Sugod Bahay mga Kapatid.

Read also

Zeinab Harake, inilarawan si Ray Parks: "Hindi boy, he's a man"

Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"
Tugue Zombie sa biro ni Jose Manalo: “Walang mali diyan, okay?"
Source: Instagram
Sa mga pakialamera dyan, please mind your business okay? Masaya kami, masaya ako. Wala akong problema at saka si Kuya Jose walang problema din.

Matatandaang nagbiro si Jose sa "Sugod Bahay" portion ng E.A.T. noong July 24 episode. Ang biro ni Jose ay patungkol s kulay ni Zombie.

“Ito kapag napanalunan mo sa bingo ‘to. Yan ang tinatawag na blackout.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila nagbabala naman si Paolo Ballesteros nang mag-react ito sa joke ni Jose.

May mga netizens naman na sumang-ayon na hindi nakakatawa ang naging biro ni Jose.

Paolo’s reaction though Napapansin ko lately na he reacts like this pag alam niyang makaka offend yung joke
Clearly.. even co host didn’t like it. Vic changed the topic right away.
They called out Jose, I dunno if that was Vic or Paolo who did that. They said Oy, immediately after Jose's joke

Read also

Carlo Aquino kay Charlie Dizon: "Pinag-uusapan namin ‘yung future namin together"

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin sila.

Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel