Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dumalo sa Swiss film festival

Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dumalo sa Swiss film festival

- Dumalo sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa 76th Locarno Film Festival para sa world premiere ng pelikula nilang “Essential Truths of the Lake”

- Marami ang natuwang muling makitang magkatambal sa pelikula ang dating magkarelasyon

- Ang kanilang pelikula ay bahagi ng Concorso Internazionale na magaganap hanggang August 12

- Ito ang namumukod-tanging Southeast Asian film na bahagi ng main competition ng naturang film festival

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dumalo sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa 76th Locarno Film Festival para sa world premiere ng pelikula nilang “Essential Truths of the Lake." Ang kanilang pelikula ang tanging Southeast Asian film na bahagi ng main competition ng naturang film festival.

Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dumalo sa Swiss film festival
Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz, dumalo sa Swiss film festival (@johnlloydcruz83)
Source: Instagram

Marami ang natuwang muling makitang magkatambal sa pelikula ang dating magkarelasyon dahil maituturing na parehas na di-kalibre ang dalawa pagdating sa pag-arte.

Read also

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

Ang direktor ng pelikula nilang ito ay ang award-winning direktor na si Lav Diaz, na siya ring direktor ng pelikulang "Ang Babaeng Humayo," "Lahi, Hayop (Genus Pan)," at "Norte, Hangganan ng Kasaysayan."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si John Lloyd Espidol Cruz ay isang Pinoy actor na naging bahagi ng Star Magic Batch 5. Una siyang sumikat nang mapabilang sa seryeng Tabing Ilog. Naging bahagi din siya ng mga seryeng It Might Be You, Maging Sino Ka Man, I ♥ Betty La Fea, at Imortal.

Matatandaang sa naunang ulat ng KAMI, sa unang pagkakataon ay naibahagi ng rumored girlfriend ni John Lloyd na si Isabel Santos ang picture ng aktor sa kanyang IG post. Nauna na rin niyang naibahagi ang mga pictures ng aktor ngunit sa Instagram stories lamang niya. Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang aktor na may hawak na isang aso at nakalagay sa caption ang mga salitang "bb1, bb2." Si Isabel ay isang artist na anak ng contemporary Filipino artists na sina Soler at Mona Santos.

Usap-usapan sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos matapos ibahagi ni Isabel ang pictures nilang magkasama. Sa post ni Isabel sa Instagram makikita na magkahawak-kamay pa sila sa isang event. Parehas silang nakasuot ng magagarang damit para sa red-carpet event na kanilang dinaluhan. Agad na umani ng reaksiyon ang post na ito ni Isabel na tila kumpirmasyon sa espikulasyong sila ay magkarelasyon.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel