Jomari Yllana, ibinida ang picture nila ng anak na si Andre Yllana

Jomari Yllana, ibinida ang picture nila ng anak na si Andre Yllana

- Ibinida ni Jomari Yllana ang picture nila ng anak nila ni Aiko Meledez na si Andre Yllana

- Makikita sa naturang post ang picture niyang nakayakap siya kay Andre

- Maging si Andre ay nag-post din ng picture nilang mag-ama na kanyang isinalarawan bilang irreplaceable moment

- Matatandaang nakasama din ni Andre ang ama at ang asawa nitong si Abby Viduya sa pagdiriwang ng bagong taon ngayong 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Jomari Yllana ang picture nila ng anak na si Andre Yllana. Sa naturang post ay inihayag ni Jomari ang kanyang pagmamahal sa anak.

Jomari Yllana, ibinida ang picture nila ng anak na si Andre Yllana
Jomari Yllana, ibinida ang picture nila ng anak na si Andre Yllana (@jomariyllana)
Source: Instagram

Makikita sa naturang post ang picture niyang nakayakap siya kay Andre.

Maging si Andre ay nag-post din ng picture nilang mag-ama na kanyang isinalarawan bilang irreplaceable moment.

Read also

Andrea Brillantes, muling nakasama si Kyle Echarri sa kanyang vlog: "My best friend is back!"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kagaya ni Jomari, nahilig din si Andre sa car racing at kabilang sa listahan ng mga racers nila sa pro racing team nilang Yllana Racing.

Matatandaang naibahagi ni Andre sa isang post niya ang pasasalamat niya sa ama sa binigay nitong kotse na ayon kay Andre ay naging dahilan kung bakit siya nahilig sa mga kotse.

Si Jomari Yllana ay isang actor, model, concert producer at promoter. Una siyang nakilala nang sumikat siya bilang miyembro ng teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Matatandaang buong pagmamalaking binahagi ni Aiko Melendez ang ginawa ng kanyang anak na si Andrei Yllana sa kanyang unang sahod. Bukod sa kanyang paglilibre sa dinner sa kanilang pamilya namigay din siya ng regalo. Maging ang kanyang ina ay tinanong umano nito kung ano ang gusto niya at bibilhin nito para sa kanya. Gayunpaman, sinabi umano ni Aiko na ipunin na lamang muna niya ang kanyang pera at kapag nakapag-ipon na ay saka na lamang siya bilhan ng regalo.

Read also

Rendon Labador, tinawag ang pansin ng PSA para ipaliwanag ang nakitang mga National ID sa basurahan

Aminado naman si Anjo Yllana na hindi pa sila nagkakabati ng kapatid na si Jomari Yllana. Aniya, aminado siyang sumama ang loob niya kay Jomari ngunit aniya ay wala na iyon sa kanya. Handa naman na daw siyang makipag-ayos ngunit aniya ay sana yung kabilang kampo ang lumapit para makipagbati. Katwiran niya, bilang panganay at tumayo rin bilang breadwinner ng pamilya nila noon sana ay yung kapatid niya na ang gumawa ng unang hakbang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel