Aiko Melendez, ibinahagi ang pagiging generous ng anak na si Andrei Yllana

Aiko Melendez, ibinahagi ang pagiging generous ng anak na si Andrei Yllana

- Buong pinagmalaki ni Aiko Melendez ang ginawa ng kanyang anak na si Andrei Yllana sa kanyang unang sahod

- Bukod sa kanyang paglilibre sa dinner sa kanilang pamilya namigay din siya ng regalo

- Maging ang kanyang ina ay tinanong umano nito kung ano ang gusto niya at bibilhin nito para sa kanya

- Gayunpaman, sinabi umano ni Aiko na ipunin na lamang muna niya ang kanyang pera at kapag nakapag-ipon na ay saka na lamang siya bilhan ng regalo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi ni Aiko Melendez ang ginawa ng kanyang anak na si Andrei Yllana sa kanyang unang sahod. Nanlibre umano ito ng dinner sa kanilang pamilya at namili pa ng regalo.

Aiko Melendez, ibinahagi ang pagiging generous ng anak na si Andrei Yllana
Aiko Melendez (aikomelendez)
Source: Instagram

Tinanong umano nito ang ina kung ano ang gusto niya at bibilhin nito para sa kanya. Gayunpaman, sinabi umano ni Aiko na ipunin na lamang muna niya ang kanyang pera at kapag nakapag-ipon na ay saka na lamang siya bilhan ng regalo.

Read also

OFW, 'Grandma' ang tawag sa among sobrang bait at malapit sa kanya

Maging ang kanyang nakababatang kapatid na si Martina ay gusto umano nitong bilhan ng regalo. Naisip din nito ang kanyang tito Jay Khonghun.

Naging emosyonal umano siya sa pinamalas na kabaitan ng anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naluha ako slight kasi di ko akalain lahat kami asa isip nya. Di man million pa kinikita ng anak ko pero likas sa knya ang pagka generous kaya alam ko Andre iblessed ka ni Lord kasi di ka madamot

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz. Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: