Anjo Yllana, inamin na hindi pa sila nagkakabati ni Jomari Yllana

Anjo Yllana, inamin na hindi pa sila nagkakabati ni Jomari Yllana

- Aminado si Anjo Yllana na hindi pa sila nagkakabati ng kapatid na si Jomari Yllana hanggang sa kasalukuyan

- Aniy, aminado siyang sumama ang loob niya kay Jomari ngunit aniya ay wala na iyon sa kanya

- Handa naman na daw siyang makipag-ayos ngunit aniya ay sana yung kabilang kampo ang lumapit para makipagbati

- Katwiran niya, bilang panganay at tumayo rin bilang breadwinner ng pamilya nila noon sana ay yung kapatid niya na ang gumawa ng unang hakbang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi na masama ang loob ni Anjo Yllana sa kapatid na si Jomari Yllana. Sa panayam sa kanya na naibahagi sa GenE! NewsPH by Eugene Asis YT channel, sinabi niyang handa naman na daw siyang makipag-ayos ngunit aniya ay sana yung kabilang kampo ang lumapit para makipagbati.

Read also

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

Anjo Yllana, inamin na hindi pa sila nagkakabati ni Jomari Yllana
Anjo Yllana, inamin na hindi pa sila nagkakabati ni Jomari Yllana (@GenE! NewsPH by Eugene Asis/YouTube Channel)
Source: Instagram

Bilang panganay at bilang tumayo na padre de pamilya sa kanyang mga kapatid noong pumanaw ang kanilang ama, gusto ni Anjo na ang kapatis na ang gumawa ng unang hakbang para magkabati sila.

“Kung gusto niyang pumunta sa akin para makipag-usap open ako, hindi ako makikipag-away at handa akong makipagbati.”

Nabanggit pa niya ang mga naging sakripisyo niya para sa kanyang mga kapatid.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Ang sa akin lang, being the eldest, bilang parang padre de pamilya na, kasi for so many years nu’ng nagkasakit ang tatay ko I took care of them, pinag-aral ko yan, inalagaan at ginabayan ko, e, kasi panganay nga ako, e.

Si Jomari Yllana o José María "Jomari" Garchitorena Yllana ay isang Pinoy actor, model, at politician. Nakilala siya at sumikat nang maging bahagi ng 1990s teen group na "Gwapings" kung saan kasama niya sina Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Read also

Zeinab, sa dinanas na hirap noon; "Talagang tumira kami sa baywalk, sa kalye"

Matatandaang hinamon ni Anjo Yllana si Jomari at ang karelasyon ni Jomari na si Abby Viduya na magpa lie detector test. Ito ay kaugnay sa umano'y nawawalang election campaign funds ni Anjo. Sa pag-withdraw ni Anjo sa kanyang kandidatura sa pagiging representative ng 4th district ng Camarines Sur, sinabi niyang kinuha ang kanyang campaign funds ng taong kanyang pinagkakatiwalaan. Kinalaunan ay sinabi niya ang pangalan ng dalawa at aniya ay balak niyang magsampa ng kaso sa mga ito.

Oktubre ng nakaraang taon nang magfiwang sina Jomari at Abby ng kanilang anniversary bilang magkarelasyon. Sa post na binahagi ni Jomari, sinabi niyang si Abby ang kanyang una at huling pag-ibig. Nagkaroon daw ng katotoran ang kanyang buhay nang bumalik sa kanya si Abby. Unang nagkarelasyon ang dalawa noong sila ay mga teenager pa lamang ngunit hindi nagtagal iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel