Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya"

Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya"

- Naglabas si Rendon Labador ng kanyang saloobin tungkol sa naging pahayag ni MTRCB chair Lala Sotto

- Ito ay ang kanyang sinabing sa loob ng 44 na taon ay wala namang naging isyu ang kanyang mga magulang

- Kaugnay ito sa kissing scene ng kanyang mga magulang sa noontime show na "E.A.T."

- Ani Rendon, para sa kanya ay hindi naging patas ang naging aksiyon ng ahensiya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Rendon Labador, para sa kanya ay hindi naging patas si MTRCB chair Lala Sotto sa pagbaba nito ng memo sa It's Showtime samantalang wala umanong ginawa sa kissing scene ng kanyang mga magulang sa noontime show na E.A.T.

Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya"
Rendon Labador kay MTRCB chair Lala Sotto: "Mag-resign ka na kung hindi mo kaya" (@rendonlabadorfitness)
Source: Instagram

Kinuwestiyon niya kung bakit sinita sina Vice Ganda at Ion Perez at wala umanong aksiyon sa kontrobersiyal na eksena kung saan hinalikan ni dating Senate President na si Tito Sotto ang kanyang asawang si Helen Gamboa.

Read also

Aiko Melendez, balik showbiz ngayong nakatapos na sa kolehiyo

Ani Rendon, hindi magandang halimbawa sa isang public servant na hindi daw patas.

Kung hindi niyo kayang tingnan yung mas tamang perspective, hindi kayo karapat-dapat diyan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, dapat laging ang kapakanan ng mamamayan ang inuuna. Aniya, pinalakpakan niya ang MTRCB sa bilis ng aksiyon nito sa It's Showtime. Gayunpaman aniya, ang tagal ng aksiyon nito sa E.A.T.

Dagdag pa ni Rendon, pwede naman mag-resign si Sotto kung hindi nito kaya.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso.

Read also

Janice De Belen, aminadong ninerbiyos sa eksena nila ni Vice Ganda

Ayon kay Ben Tulfo, silang magkakapatid ay likas na mapagpatawad lalo na kung nararamdaman nila ang sinseredad ng tao sa paghingi ng dispensa. Ani Ben, maayos na pumunta si Rendon sa kanilang tanggapan at nagpakumbaba. Dagdag pa niya, kaya niyang makipagsabayan sa bardagulan at panduduro ngunit marapat lang daw na patawarin ang humingi ng paumanhin. Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate