Aiko Melendez, balik showbiz ngayong nakatapos na sa kolehiyo
- Tatanggap na muli ng mga showbiz projects ang aktres na si Aiko Melendez
- Ito ay matapos na maka-graduate na siya sa kolehiyo na siyang naipangako niya sa kanyang mga anak
- Aminado si Aiko na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pagkamit ng kanyang diploma
- Ito ay dahil sa iba't ibang gampanin ni Aiko na bukod sa pagiging isang artista ay konsehal din ng ikalimang distrito ng Quezon City
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Walang pagsidlan si Aiko Melendez ng kanyang kasiyahan matapos na maka-graduate sa kursong BA Major in Communication Arts sa Philippine Women's University.
Kamakailan ay naibahagi ni Aiko ang larawang kuha sa kanyang pagtatapos kasama ang kanyang pamilya.
Sa YouTube channel ng kanyang manager na si Ogie Diaz, nasabi ni Aiko na handa na umano siyang magbalik showbiz matapos mamahinga sandali dahil sa pagtutok niya sa pag-aaral.
"Kaya Mother Ogie, my manager ready na akong magtrabaho muli. At sa mga taong kumukuha sa amin sa soap opera, teleserye na natanggihan namin dahil nga nag-aaral ako at ang dami pang ginagawa, ngayon po ready na ako bago ako mag-masters at mag-aral muli, par-aartista naman at public service at ang mga anak ko ang pagtutuunan ko ng pansin."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.
Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa amang si Jomari Yllana.
Sa kanyang YouTube channel din makailang beses napanood ang kilalang psychic na si Jovi Vargas na nakapagbigay ng kanyang mga nakikita sa showbiz. Isa na rito ang tungkol sa tambalang LizQuen na tila nangyayari na nga sa ngayon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh