Vice Mayor Gian Sotto, naluha sa mensahe ng pinsang si Oyo Sotto

Vice Mayor Gian Sotto, naluha sa mensahe ng pinsang si Oyo Sotto

- Hindi na napigilang maluha ni Vice Mayor Gian Sotto nang magbigay sa kanya ng mensahe si Oyo Sotto

- Sina Gian at Oyo ay magpinsan at naging close mula pagkabata

- Ayon kay Gian, malapit na kapatid kung ituring nila ang isa't isa

- Bilang walang kapatid na lalake si Vice Mayor, ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya kay Oyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang naluha si Quezon City Vice Mayor Gian Sotto nang magbigay mensahe sa kanya ang pinsang si Oyo Sotto.

Vice Mayor Gian Sotto, naluha sa mensahe ng pinsang si Oyo Sotto
Vice Mayor Gian Sotto (Gian Sotto)
Source: Facebook

Si Vice Mayor Gian ay anak ni dating senador Tito Sotto habang si Oyo ay anak naman ni Vic Sotto.

Sa vlog ng konsehal ng Quezon City na si Aiko Melendez kung saan panauhin niya ang kanilang bise alkalde, una nang nagbigay mensahe ang kapatid nitong si Lala Sotto ng MTRCB na sinundan din ni Ciara Sottto na bunsong kapatid naman nila

Read also

Alex Gonzaga, kinaaliwan sa bagong vlog kasama ang mga Aniceto at Aguinaldo

Ani Gian, bilang wala siyang kuya, si Oyo ang talagang maituturing niyang kapatid na lalake.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mensahe ni Oyo, nasabi nito kung paano naging mabuting ehemplo si Gian sa kanila na labis nilang ipinagpapasalamat.

"Na-miss ko lang siya grabe," paliwanag pa ni Vice Mayor Gian gayung may kalayuan din ang tinitirhan ni Oyo sa kanila.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Samantala, si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010 at ngayon, pinalad siyang magwagi muli bilang konsehal at manilbihan sa nasabing lungsod. Biniyayaan siya ng dalawang mga anak na sina Andre at Marthena.

Read also

Ogie Diaz, sakaling makita muli si Liza Soberano: "Ayaw ko kasi na ako ang lalapit para bumati"

Bukod sa kanyang pagiging konsehal ng unang distrito sa Quezon City, abala siya sa kanyang YouTube channel na kanyang sinimulan noong nakaraan taon. Isa nga sa kanyang naging panauhin ay ang panganay na anak na si Andre. Doon lamang nagkaroon ng pagkakataon na mapag-usapan nilang mag-ina ang tungkol sa amang si Jomari Yllana.

Sa kanyang YouTube channel din makailang beses napanood ang kilalang psychic na si Jovi Vargas na nakapagbigay ng kanyang mga nakikita sa showbiz. Isa na rito ang tungkol sa tambalang LizQuen na tila nangyayari na nga sa ngayon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel