Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens

Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens

- Nag-tweet si Maine Mendoza noong July 28, 2013 ng kanyang pag-manifest na mapansin siya ni Arjo Atayde

- Ang salitang "cutie" ay naiugnay sa pagmamanifest ng mga bagay na gustong makamit na nauso sa mga Pinoy netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Matatandaang July 28, 2018 naman nang unang magkakilala nang personal ang dalawa sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles

- July 28, 2022 naman nang mag-propose si Arjo kay Maine na kanya namang tinanggap

Si Maine Mendoza ay binansagang manifestation queen ng marami matapos ang kanyang tweet na "Arjo cutie" noong July 28, 2013. Sampung taon ang makalipas, kinasal naman sila sa mismong parehas na petsa kung kailan sila unang nagkita at kung kailan naganap ang kanilang engagement.

Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo Cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens
Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo Cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens (Arjo Atayde)
Source: Facebook

Matatandaang July 28, 2018 naman nang unang magkakilala nang personal ang dalawa sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Pagkatapos nito ay nabalita silang namataang magkasama.

Read also

Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

July 28, 2022 naman nang mag-propose si Arjo kay Maine na kanya namang tinanggap at matapos nga ang isang taon ay naganap ang kasalan.

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Read also

MGI founder kay MJ Lastimosa: "Don't come to Miss Grand anymore"

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel