Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila

Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila

- Nagbahagi si Arjo Atayde ng tula para kay Maine Mendoza kalakip ng ilang pictures na kuha sa kanilang kasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ibinahagi niya ang tula na kanyang pinamagatang Cheers to Forever

- Ngayong araw, July 28, 2023 ay ikinasal sina Maine at Arjo sa Baguio

- Matatandaang noong July 28, 2013 nang unang magpapansin si Maine kay Arjo sa pamamagitan ng isang tweet

Binahagi ni Arjo Atayde ang isang tula para kay Maine Mendoza na ngayon ay ganap nang kanyang maybahay. Ibinahagi niya ang tula na kanyang pinamagatang Cheers to Forever.

Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila
Arjo Atayde, nagbahagi ng tula para kay Maine Mendoza sa araw ng kasal nila (Arjo Atayde)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kalakip ng kanyang tula ay ilang pictures na kuha sa kanilang kasal na ayon sa showbiz writer na si Cristy Fermin ay ginanap sa Baguio. Ngayong araw, July 28, 2023 ay ikinasal sina Maine at Arjo sa Baguio. Matatandaang noong July 28, 2013 nang unang magpapansin si Maine kay Arjo sa pamamagitan ng isang tweet.

Read also

Tweet ni Maine Mendoza na "Arjo cutie" noong July 28, 2013, binalikan ng netizens

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Sa isang panayam ng broadcaster na si Julius Babao sa aktor na si Arjo naitanong sa kanya kung napag-uusapan na nila ni Maine ang tungkol sa pagpapakasal. Inamin ni Arjo na napag-uusapan na nilang magkasintahan ang tungkol sa bagay na ito lalo at nasa tamang gulang naman na sila at masaya sila sa isa't-isa. Ayon pa kay Arjo, umaasa siyang sila na ang magkakatuluyan ng TV host-actress at aniya ay sana hanggang sa kanilang pagtanda. Muli niya ding nabanggit kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.

Nauna nang naibalita ng KAMI na engaged na si Maine sa kanyang boyfriend na si Arjo. Sa kanyang Instagram post ay binahagi ni Maine ang ilang pictures nila ni Arjo. Kapansin-pansin din ang kanyang suot na singsing na makikita sa apat na litratong kanyang binahagi. Bumuhos naman ang pagbati sa dalawa hindi lang mula sa kanilang fans kundi maging mula sa kasamahan nila sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel