Kulot kay Vice Ganda: “Ang sarap po matulog sa inyo, dalawa ’yung aircon eh”
- Kinaaliwan ang pag-uusap nila Kulot at Vice Ganda sa Isip Bata segment ng It's Showtime
- Kinumusta ni Vice Ganda si Kulot kung nakatulog daw ba nang maayos si Kulot
- Sagot naman ni Kulot, mahaba ang kanyang tulog dahil dalawa ang aircon sa bahay nila Vice Ganda
- Hirit ni Vice, kinabahan na raw siya dahil wala pang isang linggo si Kulot sa bahay niya ay tumaas na ang bayarin nito sa kuryente
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Kinaaliwan sina Vice Ganda sa kanilang pag-uusap nang kamustahin ni Vice Ganda kung nakatulog nang maayos si Kulot. Sagot ni Kulot, mahaba ang kanyang tulog dahil masarap ang tulog niya lalo at dalawa ang aircon sa bahay nila Vice Ganda.
“Ang sarap po matulog sa inyo, dalawa ’yung aircon eh,” ani Kulot.
Dito at pabirong sinabi ni Vice na tumaas daw ang kanyang bayarin sa kuryente.
"Kinakabahan nga ako eh, wala pa siyang isang linggo dun sa bahay ko, ang taas na ng Meralco ko,”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tinanong ni Amy Perez kung doon natulog si Kulot sa bahay ni Vice. Ayon kay Vice, sa condo niya natulog si Kulot.
“Du’n siya sa condo."
Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.
Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.
Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh