Herlene Budol, umalma: "Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue"

Herlene Budol, umalma: "Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue"

- Umalma si Herlene Nicole Budol sa gitna ng mga isyung kinasasangkutan niya

- Sa kanyang post sa X, sinabi niyang ginagawan siya ng issue kagaya na lang noong nasa 'Wowowin' daw siya

- Aniya, kagaya dati ay ginawan siya ng issue na buntis siya noong nasa 'Wowowin' pa siya

- Iniuugnay siya ngayon sa co-star niya sa "Magandang Dilag" na si Rob Gomez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Herlene Nicole Budol ang mga pang-iintriga sa kanya kaugnay sa isyung buntis umano siya sa co-star niya sa "Magandang Dilag" na si Rob Gomez. Aniya, ginagawan lang siya ng isyu.

Herlene Budol, umalma: "Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue"
Herlene Budol, umalma: "Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue" (@herlene_budol)
Source: Instagram
Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho. gagawan ka ng issue! Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako. Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli? Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?

Read also

Ogie D sa pananahimik ni Blythe: "Siguro hindi na rin siya pinagsasalita ng taga-production"

Ang tinutukoy nito ay ang isyu tungkol sa nilabas na screenshot ng umano'y pag-uusap nila ni Rob. Kinalaunan ay burado na rin ang post na ito sa Instagram account ni Rob.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.

Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kauna-unahang international pageant ni Herlene.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate