Dyosa Pockoh, kinagiliwan sa viral post: "Parang ang unfair lang kase"

Dyosa Pockoh, kinagiliwan sa viral post: "Parang ang unfair lang kase"

- Kinagiliwan ang komedyanteng si Dyosa Pockoh sa bago nitong post kasama sina Ogie Diaz at Allan K

- Kapansin-pansin din ang larawan nina Teresa Loyzaga, namayapang si Cherie Gil at Jackie Lou Blanco na naihambing ni Dyosa sa kanilang larawan

- Aniya, wala naman siyang galit subalit tila 'unfair' lang daw na mayroon namang mga taong ganoon katatangos ang mga ilong

- Isa si Dyosa Pockoh sa mga online personality na labis na kinagiliwan at nabigyan ng pagkakataon sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naaliw sa post ng komedyanteng si Dyosa Pockoh kung saan kasama niya sina Ogie Diaz at Allan K.

Dyosa Pockoh, kinagiliwan sa viral post: "Parang ang unfair lang kase"
Dyosa Pockoh, Ogie Diaz and Allan K (Dyosa Pockoh)
Source: Facebook

Kapansin-pansin din ang larawan ng mga aktres na sina Teresa Loyzaga, namayapang si Cherie Gil at Jackie Lou Blanco na naihambing ni Dyosa sa larawan nila nina Ogie at Allan.

Read also

Valentine Rosales kay MJ Lastimosa: "Di siguro naintindihan English"

Dasal niya umano sa Diyos na hindi naman siya galit, ngunit pabiro nitong sinabing tila unfair ito para sa kanila.

"Lord, hinde po ako galit. Ang samen lang naman, kaya mo pala gumawa ng matangos na ilong bat di mo pa kami sinama. May problema ka ba samen? Inaano ka ba, Di po masama ang loob ko. Parang ang unfair lang kase," caption ni Dyosa sa kanyang viral post.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, narito naman ang komento ng ilang naaliw na netizen:

"Marami tayo kaya wag ka malungkot diyan beshy, importante nakakahinga pa tayo"
"Dapat naka sideview din sana para fair"
"Haha oo nga noh? Parang unfair"
"Ang bilis ng utak ni Dyosa... Nakita ko lang 'yang pic na yan tapos nagawan na niya ng nakakatuwang caption"
"Tawang-tawa ako Dyosa, napakanatural ng pagiging komendyante mo kaya wag mo na pansinin ang ilong mo kung di tulad ng sa mga nasa itaas na picture."

Read also

Video ng JakBie na magkasama sa GMA Gala, nagpakilig sa netizens

Si Francisco Suayan o mas kilala bilang si Dyosa Pockoh ay isang komedyante sa Pilipinas. Tubong Lemery, Batangas si Dyosa at ikaanim sa 10 magkakapatid. 2014 nang magsimula siyang mag-upload ng mga di matatawarang viral videos.

Nagtapos si Dyosa sa kursong Fine Arts sa University of the East noong 2000 at ngayon bukod sa mga raket niya at vlogs, isa pala siyang social graphic artist ng isang clothing line. Subalit talagang nasa linya siya ng pagpapatawa. Katunayan ito ang naging daan upang mapansin siya ng kanya na ngayong manager na si Ogie Diaz na siyang dahilan ng paglabas na rin niya sa ilang programa at pelikula.

Minsan din siyang nakakasama ni Ogie sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Showbiz Update kung saan inaabangan din ng marami ang mga jokes ni Dyosa patungkol umano sa kanyang 'Inay' at 'Itay.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel