Viral vlogger na si Dyosa Pockoh, tapos ng Fine Arts at isa pa lang graphic artist
- Umabot na sa 1 million views ang mga followers ni Francisco Suayan o mas kilala bilang si Dyosa Pockoh dahil sa mga nakakatawang videos niya
- Lingid sa kaalaman ng marami na isang Fine Arts graduate pala si Dyosa sa University of the East
- Patok na patok ang mga videos niya dahil sa tema niya na laging sa probinsya na Pilipinong pilipino talaga
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sino ba naman ang di makakakilala kay Francisco Suayan o mas kilala bilang si Dyosa Pockoh? Siya ang sikat na vlogger na siyang nagpapasakit ng at mga tiyan sa katatawa sa kanyang mga videos.
Nalaman ng KAMI na taliwas sa kanyang mga videos, iba rin si Dyosa sa totoong buhay. Tubong Lemery, Batangas si Dyosa at ikaanim sa 10 magkakapatid.
Nagtapos si Dyosa sa kursong Fine Arts sa University of the East noong 2000 at ngayon bukod sa mga raket niya at vlogs, isa pala siyang social graphic artist ng isang clothing line.
2014 nang magsimula siyang mag-upload ng mga di matatawarang viral videos niya na tiyak na ikasasakit ng panga mo kakatawa.
Sa Facebook siya noon unang nag-upload, ngunit nang naging viral ang mga ito, may nagsabi sa kanya na sa Youtube na raw niya ito i-upload at babayaran pa raw siya nito dahil sa taas ng views ng videos niya.
Doon nagsimulang kumita si Dyosa sa Youtube dahil sa mga viral videos niya. Bukod sa feeling celebrity siya, malaking bagay para sa kanyang pamilya ang kinikita rin niya bilang isang vlogger.
Kahit pa laging halos sa paligid lang ng kanilang bahay ang lokasyon ng kanyang mga vlogs, patok na patok pa rin ito sa mga Pinoy.
Narito ang video na nakuha ng KAMI sa youtube:
May ilang nagsasabi na na tigilan na muna niya ang pag-a-upload at nakaka-umay o nakakasawa na raw ang mga videos ni Dyosa. Ngunit sa palagay naman ng Dyosa, kinakailangan ito ng mga kababayan niya dahil kailangan nilang tumawa araw-araw.
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh