Ogie Diaz’s source: P2.4M umano ang hinihingi ni Lee O’Brian kay Pokwang para sa YT nila

Ogie Diaz’s source: P2.4M umano ang hinihingi ni Lee O’Brian kay Pokwang para sa YT nila

- Php2.4 million umano ang hinihingi ni Lee O'Brian upang ibigay na niya nang tuluyan ang kanilang YouTube channel kay Pokwang

- Ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi basta ibigay ni Lee ang password ng YouTube nila ni Pokwang

- Nasa 531,000 na ang subscribers ng naturang channel nito kaya ganoon na lamang ang kanyang panghihinayang dito

- Gayunpaman, mayroon nang bagong YouTube channel si Pokwang ang Mamang & Malia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating kay Ogie Diaz na nagde-demand umano ng malaking halaga si Lee O'Brian upang tuluyan niyang ibigay kay Pokwang ang YouTube channel nilang PokLee Cooking Official.

Lee O'Brian, pinagbabayad umano si Pokwang ng P2.4 million para ibigay ang kanilang YT channel
Lee O'Brian (@leeobrian)
Source: Instagram

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh

Nalaman ng KAMI na tinatayang nasa Php2.4 million ang hinihinging halaga ni Lee na siyang namamahala ng naturang YouTube channel.

Read also

It's Showtime hosts, emosyonal sa contract signing ng ABS-CBN at GMA Network

"Kasi nga ang nakarating din sa atin, na para ibigay ni Papang 'yung Poklee channel nila sa YouTube kay Mareng Pokwang, na may 531,000 na followers, e 2.4 million ang sinisingil ni Papang. Totoo ba yun papang" ani Ogie.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa isang video na ipinadala ni Pokwang kay Ogie Diaz, nasabi nito ang labis na panghihinayang niya sa naturang YouTube channel na mayroon nang 531,000 subscribers.

"Hi Mare. Thank you so much sa tulong. Sensya na maga ang mata ko, maghapon akong iyak nang iyak. nanghihinayang kasi ako sa PokLee Youtube namin. E ayaw naman i-surrender nung isa. Ayaw nmang ibigay sa amin ng anak niya. So we decided na mag-start na naman ako from the top. Mag-iipon na naman ako ng followers na pinagpaguran ko doon sa ming Youtube channel na PokLee. So papa-shut down ko nalang kaysa naman pakinabangan ng kung sino-sino," ang bahagi ng video message ni Pokwang.

Read also

ABS-CBN at GMA executives pumirma na ng kontrata para sa paglabas ng It's Showtime sa GTV

Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Ogie, Mama Loi at Dyosa Pockoh:

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila, hindi naiwasang maglabas ng saloobin si Pokwang sa mga umano'y bashers niya na kapwa babae pa naman niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel