Vince Flores, hindi maitago ang saya nang malamang malaki ang posibilidad na buntis si Toni Fowler
- Binahagi sa bagong vlog ng ToRo family ang tungkol sa pagpapa-check up ni Toni Fowler matapos siyang ma-delay sa kanyang buwanang dalaw
- Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, masyado pang maaga para kumpirmahin pero aniya ay 70% ang posibilidad na buntis nga siya
- Matapos kasi siyang suriin ay wala umanong senyales na malapit na siyang datnan gayong ayon kay Toni ay ilang araw na siyang delayed
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tuwang-tuwa si Vince Flores at maging si Tyronia Fowler sa balitang malaki ang posibilidad na buntis na si Toni Fowler. Sa kanilang pinakabagong vlog ay minabuti ni Toni na magpa-check up na.
Ayon sa doktor na sumuri kay Toni ay masyado pang maaga para kumpirmahin ang tungkol dito dahil hindi pa ito nakikita. Gayunpaman, wala umanong senyales na dadatnan na si Toni gayong siya mismo ang nagsabi na delayed na ang buwanang dalaw niya.
70% umano ang posibilidad na buntis siya at kakailangan nilang suriin uli si Toni matapos ang ilang linggo pa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.
Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.
Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.
Source: KAMI.com.gh