Valentine Rosales, nag-sorry kay Wilbert Tolentino sa kanyang negative comments

Valentine Rosales, nag-sorry kay Wilbert Tolentino sa kanyang negative comments

- Minabuti ni Valentine Rosales na humingi ng dispensa kay Wilbert Tolentino

- Ito ay matapos niyang magkomento ng negatibo laban kay Wilbert kaugnay sa cryptic post ni Wilbert kamakailan

- Ani Valentine, nakausap niya sa telepono si Wilbert at mali umano na nagsalita siya ng mga judgemental na mga komento

- Napag-alaman umano niyang isa ito sa nagtanggol sa kanila ng mga kaibigan niya nang may pinagdadaanan silang kaso

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-sorry si Valentine Rosales kay Wilbert Tolentino matapos siyang magkomento laban kay Wilbert. Napag-alaman umano niyang isa ito sa nagtanggol sa kanila ng mga kaibigan niya nang may pinagdadaanan silang kaso.

Valentine Rosales, nag-sorry kay Wilbert Tolentino sa kanyang negative comments
Valentine Rosales, nag-sorry kay Wilbert Tolentino sa kanyang negative comments (Wilbert Tolentino/Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post ay inilakip niya ang screenshot ng kanyang komento laban kay Wilbert kaugnay sa cryptic post nito kamakailan.

Ani Valentine, nakausap niya sa telepono si Wilbert at mali umano na nagsalita siya ng mga judgemental na mga komento. Aniya, mabait na tao si Wilbert at nais niya itong mas makilala pa kung mabibigyan ng pagkakataon.

Read also

Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Wilbert Ting Tolentino ay isang Chinese-Filipino entrepreneur na nakilala nang tanghalin siyang Mr. Gay World Philippines in 2009. Naging manager din siya ng ilang sikat na social media personalities kagaya nina Madam Inutz at Herlene Budol.

Matatandaang diretsahang sinagot ni Wilbert ang isang blind item tungkol sa umano'y comedienne na nagbago ng image. Sa caption ng naturang blind item ay may tanong kung totoo bang uma-attitude na umano ang naturang comedienne na bibidahin. Nilinaw ng manager ni Herlene na noong nag-inquire sa kanya ay hindi pa nakapag sign ng contract sa Binibining Pilipinas si Herlene. Ginawa lamang umano niya ang kanyang obligasyon bilang manager at iyon ay ang protektahan ang hinahawakan niyang artist.

Kinalaunan ay nagsalita na rin si Herlene Budol kaugnay sa isyung lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na ang ugali niya. Ito ay matapos umano ang tinatamo niyang kasikatan matapos niyang sumalang sa Binibining Pilipinas kung saan tinanghal siyang first runner up. Ani Herlene, sa kasalukuyan ay hindi na lang sa kanya nanggagaling ang desisyon at dapat niyang isa-alang-alang ang desisyon ng mga taong nag-aalaga sa kanya. Matatandaang nauna na ring inalmahan ng manager niyang si Wilbert Tolentino ang isang blind item na aniya ay alam niyang si Herlene ang tinutukoy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel