Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak

Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak

- Naiyak si Dagul Pastrana habang nagkukuwento ng kanyang hiling sa mga producers at artista

- Hiling niya daw kung pwede matulungan ang anak niya dahil aniya ay palaos na siya

- Hiling niya na sana ay matulungan ang anak niyang si Jkhriez Pastrana dahil pangarap nito na makapasok sa showbiz

- Ani Dagul natutuwa siya tuwing may nakikita siyang nagtatanong tungkol sa kanya at kung ano ang napagkakaabalahan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Dagul Pastrana habang nagbabahagi ng kanyang kahilingan sa mga producers at artista. Sa vlog ni Bernadette Sembrano ay kinuwento niyang hiling niya na sana ay matulungan ang anak niyang si Jkhriez Pastrana dahil gusto nito na makapasok sa showbiz.

Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak
Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak (@dagulpastrana)
Source: Instagram

Namangha naman si Bernadette sa husay ni Jkhriez sa pagkanta. Aniya, kahit papaano ay may mataas din sa kanya at ito ay ang kanyang boses.

Read also

Pokwang, sumalang sa fast talk; ayaw na magka-boyfriend ng afam

Ayon kay Jkhriez, gusto niyang i-spoil ang kanyang pamilya kapag mabigyan siya ng pagkakataon na maging matagumpay.

Aniya, sana ay dumating yung panahon na hindi na sila kailangang tumingin sa presyo kapag may mga bagay na gustong bilhin.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak
Dagul, emosyonal na hiniling na sana ay matulungan ang kanyang anak (Bernadette Sembrano/YouTube)
Source: Youtube

Si Romy Pastrana o mas kilala sa kanyang screen name na Dagul. Nadiscover siya ng singer-host na si Randy Santiago. Si Santiago din ang nagbansag sa kanya ng "Dagul" na kadalasang nangangahulugang mataas o malaking tao na kabaliktaran ng kanyang tangkad.

Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Isprikitik, Walastik Kung Pumitik (1999) at Juan & Ted: Wanted (2000). Nakasama din siya sa comedy sitcom na Kool Ka Lang (2001).

Isa siya sa naging regular na cast ng Goin' Bulilit. Siya lamang ang nagtagal doon hindi kagaya sa ibang mga cast na mga bata na kailangang grumaduate kapag dumating na sa tamang gulang.

Read also

AJ Raval, nagbahagi ng picture kasama ang pamilya at si Aljur Abrenica

Kung walang trabaho sa command center ng baranggay nila kung saan siya ang head, nagbabantay umano si Dagul ng kanilang munting tindahan sa kanilang bahay. Mabagal umanong magbigay ng sukli si Dagul dahil na rin sa kanyang kalagayan at sumasakit na rin umano ang kanyang tuhod. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang kay Dagul na maging kapaki-pakinabang pa rin sa kanilang bahay. May trabaho man at tindahan, hindi sapat ang kanilang kinikita para mabayaran ang pagkakautang nila sa paaralan ng anak.

Emosyonal na sinalaysay ni Dagul Pastrana ang kanyang kalagayan matapos ang pagtigil niya sa Goin' Bulilit. Hindi niya napigilang maiyak dahil nanghinayang siya sa anak niya na mataas ang pangarapn sa buhay. Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay ay nanganganib itong hindi na makapagtapos ng kanyanng Grade 12. Ang anak niyang si Jkhriez Pastrana ay may kondisyon na kagaya sa kanyang ama kaya ito umano ang iniisip ni Dagul dahil sa maaring kakaharapin nitong hirap sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate