AJ Raval, nagbahagi ng picture kasama ang pamilya at si Aljur Abrenica

AJ Raval, nagbahagi ng picture kasama ang pamilya at si Aljur Abrenica

- Nagbahagi si AJ Raval ng isang picture kung saan kasama din si Aljur Abrenica at ang kanyang amang si Jeric Raval

- Bukod sa kanila may iba pang kasama sina AJ sa naturang picture ngunit hindi magkatabi sa naturang picture sina AJ at Aljur

- Matapos umamin sa publiko tungkol sa kanilang pagkakamabutihan, hindi masyadong nagpo-post ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon

- Gayunpaman, namamataan silang magkasama pa minsan-minsan at may pelikula silang ginawa na magkatambal sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si AJ Raval ng isang group picture kung saan kasama niya si Aljur Abrenica at ang kanyang amang si Jeric Raval. Umani ng mga komento ang naturang post ni AJ kung saan kasama niya ang iba pang mg1a kapatid.

AJ Raval, nagbahagi ng picture kung saan kasama niya ang ama at si Aljur Abrenica
AJ Raval, nagbahagi ng picture kung saan kasama niya ang ama at si Aljur Abrenica (@ajravsss)
Source: Instagram

Wala namang nakalagay na caption sa naturang post ni AJ pero marami sa mga tagahanga ni AJ ang masaya na nakakasama na ni Aljur ang kanyang pamilya.

Read also

AJ Raval, ibinida ang kanyang husay sa paglaro ng lato-lato

Matatandaang kamakailan ay nagbahagi si AJ ng post kaugnay sa pelikula nila ni Aljur na Sugal ng Puso.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Sumalang si Alyssa kamakailan sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime.. Kinanta niya ang awiting 'Sana'y Wala nang Wakas' at matagumpay niyang naitawid ang kanyang performance. Makikita sa audience na pumalakpak ay ang kanyang anak na si Vanessa Raval. Sa kabila ng kanyang maayos na performance ay hindi siya pinalad na manalo.

Read also

Alex Gonzaga, inunahan na ang netizens: "Bago palang nose ko dyan"

Nagbahagi si Alyssa Alvarez ng picture niya kasama ang mga anak nila at si Jeric Raval. Makikita sa naturang picture na nakayakap ang anak nilang si Vanessa Raval sa kanyang ama. Aniya, nagmamahalan naman ang kanilang pamilya ngunit kung minsan ay naaapektuhan lang ng sistema ng social media. Matatandaang kamakailan ay nilinaw ni Alyssa na walang katotohanan ang lumabas na bali-balitang hindi anak ni Jeric si Vanessa .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel