Alyssa Alvarez, nag-post ng kanilang family picture: "Nagmamahalan naman ang pamilya"

Alyssa Alvarez, nag-post ng kanilang family picture: "Nagmamahalan naman ang pamilya"

- Nagbahagi si Alyssa Alvarez ng picture niya kasama ang mga anak nila at si Jeric Raval

- Makikita sa naturang picture na nakayakap ang anak nilang si Vanessa Raval sa kanyang ama

- Aniya, nagmamahalan naman ang kanilang pamilya ngunit kung minsan ay naaapektuhan lang ng sistema ng social media

- Matatandaang kamakailan ay nilinaw ni Alyssa na walang katotohanan ang lumabas na bali-balitang hindi anak ni Jeric si Vanessa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Alyssa Alvarez ang kanilang family picture kung saan nakayakap pa si Vanessa Raval sa kanyang amang si Jeric Raval. Matatandaang kamakailan ay nilinaw ni Alyssa na walang katotohanan ang lumabas na bali-balitang hindi anak ni Jeric si Vanessa.

Alyssa Alvarez, nag-post ng kanilang family picture: "Nagmamahalan naman ang pamilya"
Alyssa Alvarez, nag-post ng kanilang family picture: "Nagmamahalan naman ang pamilya" (Mommy Ysai)
Source: Facebook

Sa kanyang caption ay sinabi ni Alyssa na nagmamahalan naman ang kanilang pamilya ngunit kung minsan ay naaapektuhan lang ng sistema ng social media.

Read also

Alyssa Alvarez, umalma sa mga kumuwestiyon bakit hindi daw siya na-gong

Marami naman ang natuwa na makitang masaya silang pamilya. Matapos ng paglabas ng saloobin kamakailan ni Vanessa sa isyu na sinabi raw ng kanyang ama na hindi siya nito anak, minabuti ni Alyssa na linawin na hearsay lamang ang lahat ng ito.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang anak ni Alyssa Alvarez na si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Read also

Kiray Celis, emosyonal na napuri ng ina: "Totoo po 'yun, napakabait po niya"

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel