Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan

Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan

- Sumalang si Alyssa Alvarez sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime ngayong araw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Kinanta niya ang awiting 'Sana'y Wala nang Wakas' at matagumpay niyang naitawid ang kanyang performance

- Makikita sa audience na pumalakpak ay ang kanyang anak na si Vanessa Raval

- Sa kabila ng kanyang maayos na performance ay hindi siya pinalad na manalo

Sumali si Alyssa Alvarez sa Tawag ng Tanghalan ng It's Showtime ngayong araw. Kinanta niya ang awiting 'Sana'y Wala nang Wakas' at nairaos niya ang awitin nang hindi na-go-gong.

Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan
Alyssa Alvarez, kabilang sa sumalang sa Tawag ng Tanghalan (ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pinuri siya ng mga hurado kabilang na ni Nonoy Zuniega at Nyoy Volante. Para kay Nyoy, maganda raw sa pandinig ang boses ni Alyssa.

Read also

Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama

Samantala, nagpasalamat naman si Alyssa sa lahat ng sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng isang Facebook post kalakip ang video ng kanyang performance.

Sa mga di po nakanood, ito na po. Una sa lahat Salamat sa Dios, anuman ang kaganapan kanina, kalooban po nya yun niregaluhan nya ako ng lakas ng loob kanina. Dun lang panalo na at siempre sa mga taong kinasangkapan nya para makatuntong ako dun sa entabladong pangarap matapakan ng mga ibang mang aawit na kagaya ko, kay Direk Ron Dimacali na syang unang araw palang ng audition ko sa lubao ang nag asi

Makikita sa audience na pumalakpak ay ang kanyang anak na si Vanessa Raval. Sa kabila ng kanyang maayos na performance ay hindi siya pinalad na manalo.

Ang anak ni Alyssa Alvarez na si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang picture ng kanyang ate sa aniya'y 'mother role' nito

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Naitanong kay Kylie Padilla ang kanyang reaksiyon kaugnay sa paglantad nina Aljur at AJ ng kanilang relasyon nitong Valentine's Day. Ani Kylie, masaya siya para sa kanilang lahat na nakahanap na ng kani-kanilang kaligayahan. Sa ginanap na mediacon ng serye niyang Mga Lihim ni Urduja ay natanong din sa kanya kung ano ang reaksiyon niya sa pangbabash kina Aljur at AJ kasunod ng kanilang post kamakailan. Muli ay sinabi niyang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang masaya siya para sa kanilang lahat.

Diretsahang sinabi ni Kylie Padilla na hindi si AJ ang dahilan ng problema nila ni Aljur Abrenica na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sa isang livestream video na binahagi ng social media personality na si Senyora, nakiusap si Kylie na sana ay tigilan na si AJ Raval dahil hindi daw okay sa kanya ang ginagawa kay AJ. Aniya, hindi deserve ni AJ ang hate at bashing na kanyang tinatanggap mula sa mga netizens. Bilang tatay ng kanyang mga anak, gusto daw niyang masaya si Aljur para buo ang kasiyahan ng kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel