Herlene Budol, lalaban at hindi susuko sa pagsali sa Miss Grand Philippines
- Inihayag ni Herlene Nicole Budol ang kanyang saloobin sa gitna ng mga pambabatikos sa kanya
- Aniya, lalaban at hindi niya susukuan ang kanyang pangarap na maging inspirasyon
- Dagdag pa niya, hindi dapat mag-alala tungkol sa kung ano ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya
-Mas may tiwala siya sa sarili niya kesa sa opinyon ng mga taong nangba-bash sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ayon kay Herlene Nicole Budol, hindi niya dapat hayaang makaapekto sa kanya ang pangbabatikos ng iba. Mas may tiwala daw siya sa sarili niya kesa sa opinyon ng mga taong nangba-bash sa kanya.
Sa kanyang post sa Facebook ay inihayag niya ang paninindigan na gagawin niyang inspirasyon ang mga nasasabi sa kanya para magpatuloy sa buhay. Aniya, lalaban at hindi niya sususkuan ang kanyang pangarap.
Bakit tayo dapat mag-alala tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba sa atin at pag babash, mas may tiwala ba tayo sa kanilang mga opinyon kaysa sa sarili natin? Basta ang Hipon girl nyo ay lalaban at indi susuko at gagawin ko etong motivation para mabigyan pa ng inspirasyon at ipagpatuloy ang buhay natin.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Herlene "Hipon" Budol ay unang sumikat sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa siya ay nasa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.
Matatandaang binahagi ni Herlene ang kanyang pakikipagkaibigan sa mga kapwa niya sa kandidata sa Miss Planet International 2022. Pinatikim niya sa mga ito ang dala niyang kutkutin na buto ng kalabasa. Tinuruan niya ang mga ito kung paano ang tamang pagkain nito at mukhang nagustuhan naman daw nila ang lasa. Matatandaang pumunta si Herlene sa Uganda sa Africa para sana sumabak sa Miss Planet.
Sa post ni Wilbert Tolentino, sinabi niyang hindi na kasali sa Miss Planet International 2022 si Herlene. Sa kanyang na binahagi sa Facebook, sinabi ni Wilbert na ito ay dahil sa umano'y "uncertainties" sa panig ng mga organizers. Humingi siya ng dispensa sa mga supporters at lahat ng sponsors at designer at pinasalamatan niya din ang mga ito. Ito sana ang kanyang kauna-unahang international pageant.
Source: KAMI.com.gh