Vice Ganda, pinuri ni Cristy Fermin sa hindi pagkunsinti kay Awra Briguela

Vice Ganda, pinuri ni Cristy Fermin sa hindi pagkunsinti kay Awra Briguela

- Saludo daw si Cristy Fermin sa ginawa ni Vice Ganda na hindi niya kinunsinti ang alaga niyang si Awra Briguela

- Sa kanilang episode ng Cristy Fer Minute ngayong araw ay naibahagi nila na PA daw ni Ion Perez ang sumundo kay Awra

- Hindi naman siya pinabayaan ni Vice Ganda pero hindi nito pinagtanggol si Awra sa publiko

- Ani Nay Cristy, lumugar sa tama si Vice Ganda sa kinasangkutang kontrobersiya ni Awra

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Cristy Fermin, saludo siya sa ginawa ni Vice Ganda sa kinasangkutang kontrobersiya ni Awra Briguela. Sa kanilang episode ng Cristy Fer Minute ngayong araw ay naibahagi nila na PA daw ni Ion Perez ang sumundo kay Awra.

Vice Ganda, pinuri ni Cristy Fermin sa hindi pagkunsinti kay Awra Briguela
Vice Ganda, pinuri ni Cristy Fermin sa hindi pagkunsinti kay Awra Briguela (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Nay Cristy, maganda ang ginawa ni Vice na hindi niya kinonsinte si Awra pero hindi nito pinabayaan si Awra. Si Vice daw ang tumulong sa pangpiyansa ni Awra at ang pinadala niya ay ang PA ni Ion para sunduin si Awra.

Read also

Ara Mina, okay lang na patirahin si Deborah Sun sa condo habangbuhay

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel