Alyssa Alvarez sa isyu tungkol sa ama ni Vanessa Raval: "Walang salisihang nangyari"

Alyssa Alvarez sa isyu tungkol sa ama ni Vanessa Raval: "Walang salisihang nangyari"

- Ani Alyssa Alvarez, parang wala na siyang gana na sagutin ang tungkol sa isyung iba ang ama ni Vanessa Raval

- Aniya, walang nagsabi na hindi anak ni Jeric Raval si Vanessa at kahit daw mula kay Jeric ay hindi niya iyon nasabi

- Dagdag pa niya, kahit marami ang anak niya alam niyang iisa lang ang tatay ng mga anak niya

- Nilinaw niya rin na walang salisihang nangyari dahil 15 pa lang daw siya nung naging sila ni Jeric at 2017 lang sila naghiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Alyssa Alvarez ang tanong tungkol sa kung anak daw ba talaga ni Jeric Raval si Vanessa Raval. Nilinaw niya rin na walang salisihang nangyari dahil 15 pa lang daw siya nung naging sila ni Jeric at 2017 lang sila naghiwalay.

Read also

Alex Gonzaga, pinakita ang picture ng kanyang ate sa aniya'y 'mother role' nito

Alyssa Alvarez sa isyu tungkol sa ama ni Vanessa Raval: "Walang salisihang nangyari"
Alyssa Alvarez sa isyu tungkol sa ama ni Vanessa Raval: "Walang salisihang nangyari" (Vanessa Raval)
Source: Facebook

Aniya, kahit si Jeric ay hindi sinabi na hindi niya anak si Vanessa at puro hearsay lang daw iyon.

Wala din namang nagsabi kahit sino sa amin o kahit yung tatay niya na hindi niya anak si Vane. Puro hearsays lang yun. Pero nanggaling sa bibig mismo ng tatay niya, hindi niya yun sinabi.

Dagdag pa niya, lahat ng mga anak niya ay iisa lang ang tatay dahil 15 pa lang siya nang maging karelasyon niya ang ama ng mga anak at 2017 lang sila nagkahiwalay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Walang salisi, walang salisihang nangyari. Dahil 15 pa lang ako jowa ko na yung tatay niyan at naghiwalay lang kami nung 2017.

Proud daw siya sa sarili niya dahil kahit marami siyang anak ay alam niyang iisa lang ang tatay ng mga anak niya.

Read also

Andrea Brillantes, ibinahagi ang aniya'y nadatnan sa condo ni Ricci Rivero

Si Vanessa Raval ay nakilala bilang anak ng dating action star na si Jeric Raval. Kilala din siya sa kanyang mga social media content at sa kanyang pagiging prangka sa mga inilalabas niyang komento at reaksiyon. Mayroon na ring daang libong followers ang kanyang iba't-ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinaka-kontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Nagsalita si Vanessa kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na post sa Facebook. Muli niyang pinabulaanan na si Skusta Clee ang kanyang tinutukoy sa kanyang post. Minabuti din niyang huwag nang pangalanan ang rapper dahil maari umano siyang makasuhan. Sinabi niyang hindi porke't sinabi niyang pangit at babaerong rapper eh si Skusta Clee agad ang tinutukoy niya.

Matatandaang inalmahan ni Vanessa ang mga nangbabatikos sa kanya dahil sa pagtanggi niyang sabihin kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, noong nag-name drop siya ay marami siyang kinaharap ngunit wala namang tumulong sa kanya. Dagdag pa niya, hindi madali ang magka-record at masisira ang buhay niya kaya mas pinili niyang huwag nang magbanggit ng pangalan. Matapos kasi ang pag-trending ng kanyang post, marami ang nag-udyok sa kanya kabilang na si Skusta Clee na pangalanan kung sino ang ka-chat niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate