Sharon Cuneta sa E.A.T. ng TVJ: "I'm glad that they are now back on air"

Sharon Cuneta sa E.A.T. ng TVJ: "I'm glad that they are now back on air"

- Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang karanasan bilang special guest ng TVJ sa pababalik noontime nila

- Makikitang maging ang Megastar ay naging emosyonal nang makitang papasok na ang TVJ sa entablado ng bago nilang tahanan

- Kasama ng Megastar ang tatlong haligi ng longest running noontime show na naghandog ng isang awitin sa bagong programa ng mga ito

- Hulyo 1 nang tinutukan ng publiko ang pagbabalik sa ere nina Tito, Vic at Joey kasama ng mga legit Dabarkads

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ng nag-iisang Megastar, Sharon Cuneta ang kanyang naging karanasan sa pagiging special guest nito sa E.A.T. ang bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) sa bago nilang tahanan, ang TV5.

Sharon Cuneta sa E.A.T. ng TVJ: "I'm glad that they are now back on air"
Sharon Cuneta with Tito, Vic and Joey (TVJ)
Source: Facebook

Sa kanyang vlog, makikitang maging ang Megastar ay naging emosyonal nang mapanood ang pagpasok ng TVJ sa entablado.

Read also

Megastar, na-bash umano sa pagbanggit ng 'Alden' kay Maine; nagpaliwanag ayon kay Ogie D

Ikinuwento rin niya kung bakit 'Kahit maputi na ang buhok ko' ang napili niyang kantahin kasama ang tatlong haligi ng E.A.T. at maging ng tinaguriang longest running noontime show.

Naikwento rin ni Sharon na minsan siyang naging Kapatid sa TV5 kaya naman ganoon na lamang ang saya niya na ito na rin ang bagong tahanan ng TVJ na malapit sa puso niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"I'm just really grateful that they gave TVJ a new home as well as the legit Dabarkads. I'm glad that they are now back on air na marami silang patuloy na mapapaligaya sa buong bansa at sa buong mundo," ani Sharon.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog mula sa kanyang YouTube channel na Sharon Cuneta Network:

Si Sharon Cuneta ay isang singer at actress sa Pilipinas. Sa husay niya sa kanyang larangan tinagurian siyang "Megastar." Taong 1984 nang maganap ang umano'y kasalan nila ni Gabby Concepcion na nauwi rin sa hiwalayan. Nabiyayaan sila ng supling at ito nga ay si KC Concepcion. Muling nag-asawa ang Megastar at ito nga ay ang dating senador na si Kiko Pangilinan kung saan nabiyayaan sila ng tatlo pang mga anak.

Read also

Vhong Navarro, nagdiwang ng kaarawan; Kanto Boys, muling nagsama-sama

Matatandaang sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz, hindi na napigilan pa ni Sharon ang pagbulalas niya ng totoong estado ng relasyon nila ng anak na si KC. Nabanggit din niya kung gaano niya ito kamahal at gaano ito kahalaga sa kanya lalong-lalo na sa kanilang pinagdaanan bilang mag-ina.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica