Sekyu ng TV5, handa umano sa dagsa ng tao: "May pila si kuya Raffy, may pila ang Tito, Vic at Joey"
- Tila maging ang ibang bahagi ng TV5 ay naghahanda na rin umano sa programa ng Tito, Vic at Joey sa July 1
- Nang matanong ni Wendell ng Showbiz Now Na ang ilang gwardiya ng TV5, sinabi ng mga ito na inaasahan na nila ang pagdagsa ng tao
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Inaasahang doble ang dagsa ng tao dahil bukod sa pila ng Raffy Tulfo in Action, magkakaroon pa ng pila ang TV5
- Marami na ang umano'y nasasabik sa pagbabalik noontime show ng Tito, Vic at Joey gayundin ng legit Dabarkads
Maging ang mga security guards ng TV5 ay inaasahan na umano ang magiging dagsa ng tao gayung nasa kanila nang istasyon sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon bilang host ng magiging bago nilang noontime show.
Nalaman ng KAMI na nakausap umano ni Wendell Alvarez ang ilang guwardiya ng TV5 na inaasahan na ang dami ng taong nais na makapasok sa kanilang studio para manood.
"Nung sa media-con sa TV5, syempre alam mo naman ako mahilig ako magkausap sa mga mababang tao. May kinausap ako, sabi ko 'dun sa isang guard. Kumusta na kayo edi... 'Oo nga mahihirapan kami mag-ayos ng tao rito kasi may pila si kuya Raffy, may pila 'yung Tito, Vic and Joey. Sabay-sabay lahat yan. Tingnan mo nga, dito na natutulog 'yung kay Kuya Raffy. Edi lalo na siguro sa July 1, baka lalong magdagsa ang mga tao," ani Wendell sa talakayan nila nina Cristy Fermin at Romel Chika ng Showbiz Now Na!
Matatandaang, ang programa rin ni Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo ang isa sa mga dinadagsa sa TV5 at ngayon, inaasahang dadagdag ito.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.
Matatandaang sa isang panayam sa dating senador na si Tito Sotto, nabanggit nitong si Joey De Leon ang labis na naging emosyonal sa nangyari. Aniya, nasa apat na beses itong umiyak sa kanya sa telepono nang makausap niya ito matapos ang pamamaalam nila sa TAPE noong Mayo 31. Samantala, June 7 nang ianunsyo nilang TV5 na ang kanilang bagong tahanan at sa July 1 nga ay mapapanood na ang Legit Dabarkads at TVJ sa bago nilang tahanan.
Source: KAMI.com.gh