Deborah Sun, pitong taon nang pinapatira ni Ara Mina sa condo niya nang libre

Deborah Sun, pitong taon nang pinapatira ni Ara Mina sa condo niya nang libre

- Naibahagi ni Deborah Sun na pitong taon na siyang nakatira sa condo ni Ara Mina

- Pinapatira siya ni Ara doon nang libre at nagbibigay pa raw ito ng mga grocery at regalo sa kanya

- Aniya, naapreciate niya ang kabutihang loob na ito ni Ara na tulungan siya lalo at matumal ang trabaho para sa kanya

- Naibahagi niya din na kabilang sina Boy Abunda, Philip Salvador at Aiko Melendez sa mga taong tumutulong sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Deborah Sun na pitong taon na siyang pinapatira ni Ara Mina sa kanyang condo unit nang libre. Sa vlog ni Snooky Serna naibahagi niyang bukod daw sa kanyang pagpapatira nang libre sa kanyang condo ay binibigyan pa siya ng groceries.

Deborah Sun, pitong taon nang pinapatira ni Ara Mina sa condo niya nang libre
Deborah Sun, pitong taon nang pinapatira ni Ara Mina sa condo niya nang libre (Snooky Serna/YouTube)
Source: Youtube

Aniya, mismong si Ara ang nag-alok na doon siya tumira sa kanyang condo. Kapag nasa ibang bansa daw ito ay hindi din niya kinakalimutan si Deborah.

Read also

Toni Fowler, binahagi ang convo nila ng ama ni Tyronia na si Elon Manalo

Maging si Philip Salvador na kanyang tiyuhin ay hindi nagdadalawang-salita kapag nangangailangan siya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi niya din na maging si Boy Abunda ay tumutulong sa kanya kapag lumalapit siya para humingi ng tulong.

Nagpapasalamat naman siya kay Aiko Melendez dahil hindi nito pinapabayaan ang kapatid niya sa kanya.

I'll be straight, nabubuhay ako sa tulong ng tao.

May mga tinitext daw siya para mabigyan siya ng trabaho pero aniya ay iniisip ng mga ito na hindi pa rin ito tumitigil sa kanyang bisyo.

Si Deborah Sun ay isa sa limang anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador sa dating actress na si Corazon `Baby’ Porcuna. Half-sister ni Deborah ang actress na si Jobelle Salvador at pinsang buo naman nila si Maja Salvador.

Matatandaang marami ang nagulantang sa muling pagkakaaresto kay Debora sa mismong condo unit ni Ara Mina na pinapatirhan niya nang libre sa mag-iina. Kinalaunan ay naglabas ng pahayag si Ara kaugnay sa pagkakahuli sa aktres sa mismong condo na libre niyang pinapagamit.

Read also

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

Hindi napigilang maiyak ng dating aktres na si Deborah Sun habang nagbibigay ng kanyang mensahe habang nakapanayam siya ni Aster Amoyo. Umapela siya sa mga taong may kakayahan na mabigyan siya ng trabaho kahit umano hindi na sa harap ng kamera. Handa siyang tanggapin ang anumang trabahong ibigay umano sa kanya kahit pa maging personal assistant siya. Matatandaang naging usap-usapan si Deborah matapos siyang maaresto sa condo unit ni Ara Mina na pinatirhan sa kanilang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel