Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

Bea Alonzo at Lolit Solis, nagkita at nagkapatawaran na

- Nagkita na sa personal sina Bea Alonzo at Lolit Solis sa birthday celebration ng Beautederm CEO Rhea Anicoche-Tan

- Sa isang ulat ng GMA News ay mismong si Manay Lolit daw ang lumapit kay Bea para batiin si Bea at humingi ng sorry

- Ani Manay Lolit, noon pa ay sinabi daw niya na magso-sorry siya kapag nagkita sila ni Bea

- Ayon naman kay Bea, masaya siya na nagkita sila ng personal at nakapagpatawaran

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakapag-usap at nagkita nang personal sina Bea Alonzo at Lolit Solis sa birthday celebration ng Beautederm CEO Rhea Anicoche-Tan. Ayon sa ulat ng GMA news, mismong si Lolit Solis ang lumapit para kausapin si Bea at mag-sorry sa aktres.

Bea Alonzo, inulan ng papuri sa kanyang #BeaTheFarmer post
Bea Alonzo, inulan ng papuri sa kanyang #BeaTheFarmer post
Source: Instagram
"Kahit noon pa sinasabi ko, kahit saan tayo magkita, magso-sorry ako. Talagang that time, ang ano ko lang naiinis ako sa isang taong malapit sa kaniya."

Read also

Leren Mae, ipinaliwanag ang viral Christmas tree post: "We're just making fun of us na lang"

Ayon naman kay Bea ay masaya siyang nakapagpatawaran sila.

"Unang beses ko po siyang na-meet ngayon sa personal. I'm happy na finally nagkita kami. Christmas na Christmas, nagmamahalan, nagkapatawaran."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang naging laman ng mga post ni Manay Lolit yung pangbabatikos niya kay Bea.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.

Read also

Anjo kay Jomari: "Ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap"

Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel