Anjo kay Jomari: "Ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap"

Anjo kay Jomari: "Ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap"

- Nabanggit ni Anjo Yllana na hindi umano sila nag-uusap ng kanyang kapatid na si Jomari Yllana

- Sa panayam sa kanya ni Aiko, nasabi ni Anjo na tulad ng aktres, wala rin silang komunikasyon ni Jomari

- Gayunpaman, hindi nagbigay pa ng detalye si Anjo sa kung ano ang problema nilang magkapatid

- Naikwento rin niya ang minsang naging payo sa kapatid ukol sa pag-aasawa lalo na at kamakailan lang ay ikinasal ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi umano nag-uusap sina Anjo Yllana at kapatid na si Jomari Yllana.

Anjo kay Jomari: "Ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap"
Anjo Yllana (Aiko Melendez YouTube)
Source: Facebook

Naibahagi ito ng aktor nang makapanayam siya ni Aiko Melendez sa YouTube channel nito.

Nabanggit kasi ni Aiko na hindi sila nag-uusap ng dating asawang si Jomari. At doon nasabi ni Anjo na pareho lamang sila ng actress-politician.

Read also

Cristy, sa umano'y hiwalayan ng Kathniel: "Galing sa bibig mismo ng ina ni Daniel Padilla"

'Hindi kayo nag-uusap? 'Wag kang mag-alala, hindi rin kami nag-uusap," ani Anjo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Subalit hindi na ito nagbigay detalye pa sa dahilan ng kanila umanong problema.

"Pero ayaw ko nang pag-usapan bakit hindi kami nag-uusap. I just don't wanna lie na merong hindi tama. May problema kaming magkapatid but that's between us," giit pa nito.

Samantala, nagbigay rekasyon din si Anjo patungkol sa nakakarelasyon at pagpapakasal ni Jomari na naganap muli kamakailan lamang sa dating aktres na si Abby Viduya.

"Katulad nun, kinasal sila. So I'm happy for them kinasal sila even though we do not talk. Kasi ang bilin ko sa kanya nun, I was so hurt nung nakipaghiwalay siya sa'yo. Kasi once I consider you as a family, you will forever be a part of me as a family member. So 'nung nag-break kayo, nasaktan ako 'nun."

Read also

Cristy Fermin kay Vice Ganda: "Kung gusto mo na makipagtuos, meron namang paraan para diyan"

"I advised him. Next time ha, sabi ko... Ako minsan lang ako magsalita. Bilang the kuya and wala na kasi yung daddy ko na nun, sbi ko sa kanya being the eldest, ang pakiusap ko lang sa'yo pag nagkaroon ka ng girlfriend bigyan mo ng five years bago ka mag-asawa ulet. Ayaw kong mag-gi-girlfriend ka, mag-aasawa ka tapos maghihiwalay ulet."
"Ayaw kong maulit 'yung nangyari sa inyo. Gusto ko magkaroon siya ng asawa, panghabangbuhay na."

Narito ang kabuuan ng talakayan nina Aiko at Anjo:

Si Jomari Yllana ay isang actor, model, concert producer at promoter. Una siyang nakilala nang sumikat siya bilang miyembro ng teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jao Mapa.

Matatandaang buong pagmamalaking binahagi ni Aiko Melendez ang ginawa ng kanyang anak na si Andrei Yllana sa kanyang unang sahod. Bukod sa kanyang paglilibre sa dinner sa kanilang pamilya namigay din siya ng regalo. Maging ang kanyang ina ay tinanong umano nito kung ano ang gusto niya at bibilhin nito para sa kanya. Gayunpaman, sinabi umano ni Aiko na ipunin na lamang muna niya ang kanyang pera at kapag nakapag-ipon na ay saka na lamang siya bilhan ng regalo.

Read also

Kaila Estrada, sa amang si John Estrada: "Ito 'yung hinahanap namin noon pa"

Aminado naman si Anjo Yllana na hindi pa sila nagkakabati ng kapatid na si Jomari Yllana. Aniya, aminado siyang sumama ang loob niya kay Jomari ngunit aniya ay wala na iyon sa kanya. Handa naman na daw siyang makipag-ayos ngunit aniya ay sana yung kabilang kampo ang lumapit para makipagbati. Katwiran niya, bilang panganay at tumayo rin bilang breadwinner ng pamilya nila noon sana ay yung kapatid niya na ang gumawa ng unang hakbang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel