Cristine Reyes, proud na ibinida ang performance ng anak sa recital

Cristine Reyes, proud na ibinida ang performance ng anak sa recital

- Naibahagi ni Cristine Reyes ang video ng recital performance ng anak niyang si Amarah

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa kanyang post sa Instagram ay makikita ang pagkanta ni Amarah ng awiting Moon River

- Mayroon din itong video kung saan makikitang tumutugtog siya ng piano

- Ani Cristine, proud siya na makita ang magandang pagbabago sa anak habang lumalaki ito

Ibinida ni Cristine Reyes ang video ng performance ng anak niyang si Amarah sa recital nito. Ani Cristine, proud siya na makita ang magandang pagbabago sa anak habang lumalaki ito,

Cristine Reyes, proud na ibinida ang performance ng anak sa recital
Cristine Reyes, proud na ibinida ang performance ng anak sa recital
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bukod sa kanyang pagkanta ng Moon River mayroon ding performance si Amarah kung saan tumutugtog siya ng piano.

Read also

Carla Abellana sa mga babaeng nasa bad relationships: "Don't lose yourself"

Sa ilang pang pictures ay makikita si Amarah kasama ang kanyang mga kasabayan sa naturang recital.

Sa kanyang post ay nagbahagi si Cristine ng mensahe para sa kanyang anak.

Amarah, you're growing so unbelievably fast! It fills me with immense pride, Mommy cannot contain it. My heart is brimming with happiness as I observe your remarkable change. There are no words to truly convey the depth of my adoration for you.

Si Ara Cristine Pascual Klenk o mas kilala sa kanyang screen name na Cristine Reyes ay isang Filipina actress, model, dancer at endorser. Una siyang nakilala sa showbiz nang sumali siya sa talent search ng GMA na Starstruck. May anak siya sa kanyang dating partner na si Ali Khatibi.

Matatandaang ibinahagi ni Ali Khatibi ang mga litrato nila ng kanyang anak na si Amarah sa kanilang bakasyon sa Siargao. Nauna nang sinabi ni Ali na na-mi-miss niya na ang anak nila ng dating asawang si Cristine. Inamin naman ng aktres na nakapag-move on na siya sa paghihiwalay nila ng kanyang dating mister. Matatandaang ikinasal sina Cristine Reyes at Ali Khatibi sa isang beach wedding sa Balesin noong January 27, 2016.

Read also

Jerald Napoles, pinakita ang reaksiyon ni Kim Molina sa KathNiel breakup

Ibinahagi naman ni Cristine sa kanyang Instagram post ang kanyang naging therapy para sa kanyang paa. Hindi na idinetalye ng aktres ang dahilan ngunit aniya ay nakaranas siya ng freak accident. Ibinahagi niya ito ilang araw bago ang kanyang ika-33 na kaarawan noong February 5. Bumuhos ang pagbati at get well wishes para sa kanya hindi lamang mula sa mga netizens kundi maging mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel