Carla Abellana sa mga babaeng nasa bad relationships: "Don't lose yourself"

Carla Abellana sa mga babaeng nasa bad relationships: "Don't lose yourself"

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nahingan si Carla Abellana ng payo para sa mga kababaihan

- Partikular na iyong mga nasa bad relationships sa iba't ibang aspeto

- Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan noon nina Carla at Tom Rodriguez

- Dahil naganap umano ito ilang buwan lamang matapos ang kanilang kasalan

Nagbigay ng payo ang Kapuso actress na si Carla Abellana para sa mga kababaihang nasa isang bad relationship.

Carla Abellana sa mga babaeng nasa bad relationships: "Don't lose yourself"
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa YouTube channel nito, nahingan siya nito ng mensahe para sa mga kapwa babaeng nasa hindi kagadahang relasyon.

"May mga babae nakikinig ngayon. They're staying in bad relationships. Sinasaktan sila, paulit-ulit na unfaithful ang boyfriend o asawa nila, anong advice mo sa kanila?" tanong ni Karen kay Carla.

"I guess my only advice is make sure you don’t lose yourself and you respect yourself pa din. Don’t forget yourself. It always comes to a point when enough is enough, so hopefully they know kung hanggang kailan nila kaya," sagot naman ng aktres.

Read also

Ogie D sa umano'y komento ng Netizens kay Carla Abellana: "Lesson learned ito kay Carla noh?"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sinang-ayunan naman ito ng netizens na humanga lalo kay Carla sa ipinakikita nitong katatagan matapos ang sinapit ng kasal nito sa aktor na si Tom Rodriguez na nauwi rin agad sa hiwalayan matapos lamang ang ilang buwan.

Samantala, narito ang kabuuan ng interview kay Carla mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Nagpakasal sina ni Tom Rodriguez at Carla Abellana noong Oktubre 2021 Subalit sa pagpasok ng taong 2022, gumulantang sa publiko ang hiwalayan ng dalawa. Kasunod ng paglabas ng balitang hiwalay na sila ni Tom matapos ang tatlong buwang pagsasama bilang mag-asawa, naibahagi ni Cristy Fermin na inaasikaso na ni Carla ang tungkol sa annulment ng kanilang kasal.

Read also

Yassi Pressman, ibinida ang ka-sweetan nila ni Governor Luigi Villafuerte

Samantala, sa panayam ni Morly Alinio sa ama ni Carla na si Ray PJ Abellana, sinabi nitong nagkusang pumunta noon si Tom sa kanya para magpatulong sa sitwasyon nila noon ni Carla. Subalit mismong si Carla raw ay hindi nakipag-usap sa kanya tungkol sa naganap matapos lamang ang ilang buwan mula nang siya ay ikasal.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel