Cristy, nabalitaang 80% ng mga sponsors ng TVJ noon sa GMA ay sumama sa TV5

Cristy, nabalitaang 80% ng mga sponsors ng TVJ noon sa GMA ay sumama sa TV5

- Nabalitaan umano ni Cristy Fermin na 80% ng mga sponsors ng Tito, Vic and Joey ay sumama sa kanila sa TV5

- Matatandaang una na ritong nagpahayag ng suporta ang Puregold, at may bago nang larawan si 'Aling Puring' at ang TVJ

- Matatandaang isa si Susan Co ng Puregold sa mga unang nagkumusta kay Joey matapos ang pamamaalam nila nina Tito Sotto at Vic Sotto sa TAPE

- Sa July 1, magsisimula na umano ang bagong noontime show ng TVJ at Legit Dabarkads sa TV5

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakarating umano kay Cristy Fermin na malaking porsyento ng mga sponsors ng Tito, Vic at Joey noong nasa GMA 7 pa sila kung saan naroon ang Eat Bulaga ay sumama na rin umano sa kanila sa TV5

Read also

Joey De Leon sa bashers: "'Wag mong pakialaman ang tao pag gustong magtrabaho"

Cristy, nabalitaang 80% ng mga sponsors ng TVJ noon sa GMA ay sumama sa TV5
Tito Sotto, Vic Sotto and Joey De Leon (TVJ)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umano rito ang Puregold kung saan mayroon na rin silang bagong larawan kasama ang mascot nitong si Aling Puring.

"80% po ng kanilang mga sponsors 'nung nasa GMA7 pa ang Tito, Vic and Joey ay sumama na po. Maganda talagang mag-Buena mano si Aling Puring ng Puregold."

Malaking bagay ito sa programa nilang magsisimula na muli sa July 1.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bagama't wala pang ibinabahaging titulo ang programa, magsisimula ito ng 11:30am hanggang 2:30 ng hapon.

Kasama pa rin ng TVJ ang lahat ng Legit Dabarkads kabilang na ang nanalong Bida next na si Carren Eistrup.

Samantala, narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel ng Showbiz Now Na!:

Ang Eat Bulaga ang tinaguriang longest-running noontime show 'di lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo na unang sumaere noong taong 1979. Una itong sumaere sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng 6 na taon at ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob ng 28 na taon.

Read also

Ice Seguerra sa isyu ng Eat Bulaga: "My loyalty remains with TVJ"

Matatandaang sa isang panayam sa dating senador na si Tito Sotto, nabanggit nitong si Joey De Leon ang labis na naging emosyonal sa nangyari. Aniya, nasa apat na beses itong umiyak sa kanya sa telepono nang makausap niya ito matapos ang pamamaalam nila sa TAPE noong Mayo 31. Samantala, June 7 nang ianunsyo nilang TV5 na ang kanilang bagong tahanan at sa July 1 nga ay mapapanood na ang Legit Dabarkads at TVJ sa bago nilang tahanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica