Jhong Hilario, proud na binahagi ang kanyang graduation picture

Jhong Hilario, proud na binahagi ang kanyang graduation picture

- Nag-post si Jhong Hilario ng kanyang graduation picture kasunod ng kanyang pagtatapos sa kursong AB Political Science

- Nagtapos siya bilang Magna CumLaude sa natapos na kurso sa Arellano University

- Sa kanyang vlog ay pinakita ni Jhong ang kanyang pinagdaanan bago tuluyang makamit ang pangarap na matapos ang kanyang pag-aaral

- Umulan naman ng pagbati para kay Jhong hindi lamang mula sa kasamahan niya sa showbiz kundi mula sa mga netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Jhong Hilario ang kanyang graduation picture matapos niyang magtapos nitong June 14, 2023 sa kursong AB Political Science bilang isang Magna CumLaude. Sa kanyang vlog ay pinakita ni Jhong ang kanyang pinagdaanan bago tuluyang makamit ang pangarap na matapos ang kanyang pag-aaral.

Jhong Hilario, proud na binahagi ang kanyang graduation picture
Jhong Hilario, proud na binahagi ang kanyang graduation picture (@sarinahilario)
Source: Instagram

Sa kanyang vlog ay pinakita niya kung paano niya pinagsikapan ang kanyang pag-aaral. Aniya, nauna lang ang kanyang pagiging dancer at artista pero masaya siyang natupad niya ang pangarap ng mga magulang niya para sa kanya na makapagtapos ng pag-aaral.

Read also

Nathalie Hart, nagbahagi ng pictures nila ng anak niyang si Penelope

Makikita sa kanyang vlog na kahit nasa biyahe siya kasama ang pamilya ay hindi siya tumitigil sa pag-aaral. Bukod dito ay nagagawa pa niya ang kanyang iba pang gawain kagaya ng pagiging isang TV host, pagiging public servant at pagiging asawa at ama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Jhong Hilario ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Streetboys kasama si Vhong Navarro na kasalukuyan niya ring kasama sa noontime show na It's Showtime.

Matatandaang ibinida ni Jhong ang video nila ng anak niyang si Sarina sa kanyang Instagram post. Makikita ang mag-ama na nakaupo sa tapat ng isang piano habang nagpipindot si Sari habang kumakanta. Sa caption ng naturang post ni Jhong ay sinabi niyang "Tong Tong Tong" at "Do Re Mi" mashup ang kinanta ng anak. Marami ang naaliw at natuwa sa pagiging biba ng anak ni Jhong na tinatawag niya ding Sample Princess hango sa bansag sa kanya bilang Sample King.

Kinaaliwan ang post ni Jhong na video kung saan makikita ang pagkanta ng anak niyang si Sarina. Habang nakahiga ay pinakanta ni Jhong ang anak ng awiting "Moon River" at agad namang itong sumunod. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito. Kamakailan lang ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan ang anak ni Jhong at ng partner niyang si Maia Leviste Azores.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate