Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird"

Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird"

- Naibahagi ni Ellen Adarna ang kanyang saloobin tungkol sa pagbandera ng mga luxury na gamit sa social media

- Aniya, mayroon naman siyang mga ganoong mga pagmamay-ari pero aniya ay hindi naman niya trabaho iyon kaya para sa kanya ay weird iyon

- Dagdag pa niya, maari naman niyang gawin iyon kung bahagi ng trabaho kaya kailangang gawin

- Aniya, hindi mahalaga para sa kanya ang mga bagay na hindi naman madadala kapag siya ay nawala na

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinagot ni Ellen Adarna ang komento tungkol sa tila hindi niya hilig sa mga luxury things. Ani Ellen, mayroon naman din daw siya ng mga gamit na maituturing na luxurious pero aniya, hindi mahalaga para sa kanya ang mga bagay na hindi naman madadala kapag siya ay nawala na.

Read also

Geraldine Roman kay Pura Luka Vega: "What If, I parody your mom how would you feel?"

Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird"
Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Sa kanyang Q&A session sa kanyang Instagram ay hindi naman niya trabaho iyon kaya para sa kanya ay weird iyon kapag ginawa niya ang pagbabalandra ng mga luxury things sa social media.

Dagdag pa niya, maari naman niyang gawin iyon kung bahagi ng trabaho kaya kailangang gawin.

I'm not going to lie and I'm not going to be a hypocrite, I do have some pieces but it is not my job. I am not a luxury influencer. Not unless I'm being paid or it's my job then I'll post some pictures, videos.. But I am not, so for me it's weird if I 'rampa'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

What for? what do I have to prove? At the end of the day what really matters is who am I without those things., without the material things, without the status, who am I really?

Read also

Sunshine Cruz sa paghihiwalay nila ni Macky Mathay: "Hindi na nagle-level up yung relationship"

Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird"
Ellen Adarna, hindi hilig mag-post ng kanyang luxury items: "For me it's weird" (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Aminado si Ellen na masaya siya sa buhay niya ngayon bilang maybahay ni Derek Ramsay at bilang isang ina. Hindi naman daw niya binabalak na bumalik sa ngayon sa showbiz dahil gusto niya ang tahimik na buhay niya sa kasalukuyan. Plano daw nilang mag-asawa na magkaanak ngayong taon at kung siya ang masusunod ay babae sana ang gusto niya na magiging anak nila. Kung magbuntis man siya ngayong taon ay pitong taon muli gusto niyang tutukan ang magiging anak nila ni Derek.

Read also

Andrew Schimmer, emosyonal na inalala ang kaarawan ng yumaong partner

Pabirong sinagot ni Ellen ang tanong ng isang netizen kung may balak daw ba itong magkaanak sila ng asawang si Derek Ramsay. Ani Ellen, pinagdadasal niyang si Derek na lang daw ang magbuntis dahil aniya ay nakakapagod magbuntis. Matatandaang sa isang panayam ay nauna niya nang sinabi na hindi muna siya magbabalik telebisyon para matutukan ang plano nila na magkaanak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel