TVJ, nag-file ng injunction upang awatin ang TAPE, Inc na gamitin ang 'Eat Bulaga'
- Ayon sa kampo nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay nag-file na sila ng injuction sa RTC Marikina
- Ito ay para mapigilan ang TAPE, Inc na gamitin ang titulong "Eat Bulaga" sa kanilang noontime show
- Ito daw ang hinihintay nila na lumabas para magamit na nila sa January ang "Eat Bulaga" sa TV5
- Matatandaang kinatigan kamakailan ng IPOPH ang TVJ kaugnay sa usaping trademark ng naturang show
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagsampa na ng injunction ang kampo ng TVJ sa RTC Marikina ayon kay Atty. Buko. Sa panayam na binahagi ng Abante News, sinabi ni Atty. Buko na hinihintay na lamang nila na lumabas ito para magamit na nila sa January ang Eat Bulaga sa TV5.
Ayon pa kay Atty. Buko, matagal nang pwede sanang gamitin ng TVJ ang Eat Bulaga ngunit iginalang daw nila ang pagkakarehistro na trademark.
Matatandaang kinatigan kamakailan ng IPOPH ang TVJ kaugnay sa usaping trademark ng naturang titulo kabilang na ang 'EB' na pinaikling Eat Bulaga.
Kinansela na rin ng IPO ang trademark ng TAPE na kanilang inapela ngunit hindi rin kinatigan ng IPO.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Matatandaang sa ulat ng PEP, nag-react ang magkapatid na sina Jon-Jon at Bullet Jalosjos sa pag-resign ng TVJ at Dabarkads.
Sa ulat ng Inquirer.net, pinabulaanan ni Allan K ang isyung hindi umano nila pinapapasok ang TAPE executives sa mga dressing room ng mga hosts.
Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Ito ay blocktimer sa GMA network at ang TAPE Inc. ang producer nito. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.
Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.
Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh