TAPE Inc, nakapag-renew ng trademark ng Eat Bulaga na valid sa sampung taon

TAPE Inc, nakapag-renew ng trademark ng Eat Bulaga na valid sa sampung taon

- Matagumpay ang Tape Inc sa pag-renew ng trademark ng "Eat Bulaga" na valid sa loob ng sampung taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa isang post ng Facebook page na Bored Productive, makikita ang dokumento na magpapatunay nito

- Maging sa Instagram story ni Mayor Bullet Jalosjos, binahagi niya ang screenshot ng isang article tungkol sa kanilang trademark renewal

- Ang naturang dokumento ay pirmado ni Jesus Antonio Z. Ros, ang director ng Bureau of Trademarks

Na-renew ng TAPE Inc ang trademark ng ‘Eat Bulaga’ at ‘EB’ titles kabilang na ang logo nito. Sa Facebook post ng Bored Productive, makikita ang picture ng Certificate of Renewal of Registration.

TAPE Inc, nakapag-renew ng trademark para sa Eat Bulaga para sa sampung taon
TAPE Inc, nakapag-renew ng trademark para sa Eat Bulaga para sa sampung taon
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Vice Ganda, nagbigay ng hint sa kanilang guest: "Basta kapatid ni Lulu"

Sa dokumentong ito ay makikita na naka-file ang renewal nitong June 14, 2023. Ayon kay Atty. Maggie Abraham-Garduque, abogado ng TAPE, natanggap nila ang certificate of renewal kahapon, August 4, 2023.

"Yes, we received the certificate of renewal yesterday. Since it has a term of 10 years so TAPE Inc. owns the trademark of 'Eat Bulaga' until 2033,"

Ang Eat Bulaga ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979.

Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Read also

Ion Perez nagbahagi ng cryptic post: "Gusto ako nyan kaya sya ganyan"

Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais iparating.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: