Richard Gomez, nakwentong inalok na anakan niya ang isang aktres

Richard Gomez, nakwentong inalok na anakan niya ang isang aktres

- Nakwento ni Richard Gomez ang tungkol sa kanyang natanggap na indecent proposal noon

- Ito umano ay mula sa isang supporting actress na hindi na niya pinangalanan pa

- Hiniling daw nito kay Richard na anakan siya ng aktor

- Naganap ito sa #ByBea Lie Detector vlog ni Bea na ika 15 na na episode sa YouTube channel ni Bea

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakwento ni Richard Gomez sa #ByBea Lie Detector vlog ni Bea Alonzo ang tungkol sa kanyang natanggap na indecent proposal noon. Ito umano ay mula sa isang supporting actress na hindi na niya pinangalanan pa.

Richard Gomez, nakwentong inalok na anakan niya ang isang aktres
Richard Gomez, nakwentong inalok na anakan niya ang isang aktres (@richardgomezinstagram)
Source: Instagram

Naitanong ni Bea kay Richard kung nakatanggap daw ba siya ng indecent proposal. Hindi daw nakalimutan ni Richard yung mula sa isang taga-showbiz na isang supporting actress. Hiniling daw nito na anakan siya ni Richard.

Read also

Jason Hernandez, nilinaw na kaibigan lang niya ang babaeng kasama sa music video

There's one that's really significant na hindi ko makalimutan. Taga showbiz din. Supporting actress. Sabi niya, anakan mo naman ako o. Sabi ko, ano?

Pabiro namang tinanong ni Bea kung sino itong supporting actress na tinutukoy ni Richard.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sunod na naitanong sa kanya ni Bea kung nakapag-oo daw ba si Goma sa isang indecent proposal. Ayon sa aktor ay hindi niya pa ito nagawa. Hindi niya rin daw nagawa na siya ang mag-offer ng indecent proposal.

Si Richard Gomez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga nakakaaliw na cooking vlogs ni Richard na kanyang binahagi sa YouTube. Bukod sa personal na paghahanda at pagluluto, nagbabahagi din siya ng mga fun facts tungkol sa mga niluluto niya. Sa isa niyang video ay nakasama ni Richard ang anak na si Juliana Gomez at ang napapabalitang boyfriend nito. Marami ang nakapansin sa pagiging komportable at kaswal nila na makipag-usap sa naturang vlog.

Read also

Richard Gomez, aminadong 'easy-to-get' daw siya noong siya ay binata pa

Binahagi niya din ang kanyang maikli ngunit nakakaantig na mensahe sa Instagram kamakailan, Ito ay para sa kanyang asawang si Lucy Torres. Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-24 na wedding anniversary noong April 28. Nag-post din siya ng pictures nilang magkasama. Agad na nag-viral at umani ng mga komento mula sa kanyang followers ang kanyang IG post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel