TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga YouTube channel

TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga YouTube channel

- Nagpaalam na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng YouTube channel ng 'Eat Bulaga'

- Ayon kay Tito Sen, pumasok silang lahat para magtrabaho pero hindi daw sila pinayagang umere nang live ng new management

- Hindi maitago sa mga mukha ng host ng 'Eat Bulaga' ang pagkalungkot ngunit tila nabuhayan ang audience nang sabihin ni Vic na saan man sila dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo't isang tuwa

- Matatandaang naunang pumutok ang balitang may mangyayaring rebranding sa 'Eat Bulaga' hanggang sa kinalaunan ay nagsalita na rin si Tito Sotto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Tito Sotto pumasok silang lahat ngayong araw para makapagtrabaho pero hindi raw sila pinayagang umere ng new management ng live. Dito na rin inanunsiyo ni Vic Sotto na nagpapaalam na sila sa TAPE Inc. simula ngayong araw, May 31, 2023.

Read also

Ogie Diaz sa possible project nina Sarah at John Lloyd: "Baka mag-level up sila"

TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga Youtube channel
TVJ, nagpaalam na sa TAPE Inc. sa pamamagitan ng Eat Bulaga Youtube channel (@helenstito)
Source: Instagram
Pumasok po kaming lahat ngayong araw para makapagtrabaho pero hindi po kami pinayagang umere ng new management ng live.

Pinasalamatan nila ang lahat ng estasyon na naging bahagi ng Eat Bulaga, ang RPN, ABS-CBN at GMA-7. Pinasalamatan din nila ang mga advertisers na nagtiwala sa kanila at ang kanilang mga tagasubaybay. Nagpaalam man sa TAPE, ayon kay Vic ay tuloy pa rin ang isanlibo't isang tuwa.

Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isanlibo't isang tuwa

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Sa kasalukuyan kabilang sa mga host ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.

Read also

Kuya Wil, 'di na tuloy ang concert sa Amerika; Nagkaproblema sa VIVA ayon kay Cristy

Sa gitna naman ng mga isyung naglalabasan kaugnay sa umano'y problema sa TAPE Inc, agaw-pansin sa netizens ang post ni Joey sa kanyang Instagram. Nag-post siya ng screenshot ng isang article patungkol dito. Aniya, natatawa at natutuwa siya dahil hanggang sa ngayon ay pinag-uusapan pa rin sila.

Kamakailan ay kinanta nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon (TVJ) ang theme song ng Eat Bulaga. Sa gitna ng isyu kaugnay sa umano'y magaganap na rebranding sa noontime show ay may makahulugang mensahe si dating Sen. Tito. Nilinaw niya lalo na sa mga bata na si Vic umano ang nag-compose ng kantang ‘Eat Bulaga’ at ang nag-imbento ng salitang ‘Eat Bulaga’ ay si Joey. Marami naman sa tagapanuod at tagasubaybay ng Eat Bulaga ang naghayag ng kanilang suporta lalo na sa mga Dabarkads na kinabilangan ng iconic trio.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate